Jake Ejercito makakasama si Ellie ngayong Pasko | Bandera

Jake Ejercito makakasama si Ellie ngayong Pasko

Therese Arceo |December 22,2021
facebook
share this

Jake Ejercito makakasama si Ellie ngayong Pasko

Therese Arceo - December 22, 2021 - 08:35 PM

Jake Ejercito makakasama si Ellie ngayong Pasko

SOBRANG saya ngayon ng aktor na si Jake Ejercito dahil makakasama niya ang anak na si Ellie.

Isang larawan ang ibinahagi ng aktor sa social media kung saan naka-kiss siya sa pisngi ng anak habang yakap-yakap ito.

“Home for Christmas,” saad ni Jake.

Excited na umuwi ang aktor matapos ang kanyang isang buwang lock-in taping at self-isolation.

Sa isang video na ibinahagi rin ni Jake sa Instagram ay makikita siyang papunta sa kwarto kung saan nagtatago at nag-aantay sa kanya si Ellie. Nang magkita ay agad na nagyakap nang mahigpit ang dalawa.

Masayang-masaya naman ang mga netizens sa muling pagkikita ng dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)

“Wow daddy missed na missed nya yung baby nya !! Parang hindi ko maimagine yung reaction ni sir jake kung hindi pa nakauwi si princess ellie sa manila bago tumama yung typhoon Odette sa Siargao!!!” comment ng isang netizen.

“I love how you really love your daughter,’ sabi naman ng isa pa.

” Thanks God at bagu dumating si typhoon Odette ay nasa Manila ang family. Keep safe always baby Ellie,’ sey naman ng isa pang netizen.

Ang huling pagkikita ng mag-ama ay noon pang sinurpresa niya si Ellie at nag-celebrate sila ng ika-10th birthday ng anak. Kasama rin ni Jake ang mga kapatid na sina Jacob at Jerika nang lumipad siya pa-Siargao para sa special day ng anak.

Matatandaang nitong buwan ay lumipad pa-Maynila ang buong pamilya ni Andi para dumalo sa kasal sa Batangas.

Hindi na natuloy sa pag-uwi sina Andi pabalik ng Siargao dahil na rin sa pinsalang natamo ng isla matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Jake masaya sa co-parenting setup nila ni Andi: Nakikita ko kay Ellie na hindi na siya nahihirapan…
Jake may promise para kay Ellie: Happy birthday, my love!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending