Jake may promise para kay Ellie: Happy birthday, my love! Bandera

Jake may promise para kay Ellie: Happy birthday, my love!

Therese Arceo |November 24,2021
share this

Jake may promise para kay Ellie: Happy birthday, my love!

Therese Arceo - November 24, 2021 - 04:46 PM

Jake may promise para kay Ellie: Happy birthday, my love!

NAG-CELEBRATE na ng ika-10th birthday ang anak nina Jake Ejercito at Andi Eigenmann na si Ellie.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktor ang mga litrato kasama si Ellie mula noong baby pa ito hanggang sa kasalukuyan.

“Carrying you through the waves of life for a decade now!! And I promise to continue doing so endlessly, every single day,” saad ni Jake.

“There will never be enough room in this world for daddy’s love for you. Happy birthday, my love,” bati ng aktor sa anak.

Bago pa man ang mismong kaarawan ni Ellie ay lumipad na papuntang Siargao si Jake kasama ang mga kapatid para surpresahin ang kanilang OG Princess na si Ellie sa kanyang special day.

Sa video na ibinahagi ni Jake sa kanyang Facebook page, makikita si Ellie na tumatakbo papunta sa kanyang ama at binigyan ito agad ng mahigpit na yakap.

Nang ihatid niya ito sa loob ng villa ay hindi inaasahan ni Ellie na makita ang kanyang mga pinsan pati na rin ang kanyang Tito Jacob at Tita Jerika para samahan siyang i-celebrate ang kanyang birthday.

Sa isang separate post ay ibinahagi naman ni Jerika Ejercito, kapatid ni Jake, ang kanilang experience para maisakatuparan ang kanilang surprise para kay Ellie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)

“Hands down the hardest trip I have ever done. The severe bitterness of leaving both my babies behind, Moses and Marta mixed with the extreme sweetness of being reunited with our OG princess overflowed my heart throughout this trip.

“The look on your face @ellieislandgirl when you first saw us and the tightest hug I ever got made it all worth while,” pagbabahagi ni Jerika.

“Happiest birthday to our OG Princess. I hope you enjoyed our little birthday reunion. Please know how much we all adore you. I LOVE YOU MY OG PRINCESS,” pagbati naman niya sa pamangkin.

“Shout out to my baby brother @unoemilio for the incredible planning, coordination and execution of this epic double celebration surprise for our OG Princess and my husband dearest. You are a legend!

“Thank you for always taking charge in creating beautiful memories for the whole fam. We love you so much, Jakeboi.”

Paniguradong sobrang saya ni Ellie dahil parehas niyang nakasama ang kaniyang mga magulang sa kanyang espesyal na araw.

Related Chika:
Jake kay Ellie: I have no choice but i-spoil siya kasi minsan lang kami magkasama
Jake iniipon ang talent fee para sa kinabukasan ni Ellie; Isko, Leni tandem sa 2022 posible ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending