Jake iniipon ang talent fee para sa kinabukasan ni Ellie; Isko, Leni tandem sa 2022 posible ba? Bandera

Jake iniipon ang talent fee para sa kinabukasan ni Ellie; Isko, Leni tandem sa 2022 posible ba?

Reggee Bonoan |June 23,2021
share this

Jake iniipon ang talent fee para sa kinabukasan ni Ellie; Isko, Leni tandem sa 2022 posible ba?

Reggee Bonoan - June 23, 2021 - 04:57 PM

MARAMI ang nagulat nang makitang magkasama sina Manila Mayor Isko Moreno at Vice President Leni Robredo nitong Martes.

Ito’y para sa proyektong COVID-19 vaccine express na alay sa ating mga transportation workers tulad ng pedicab, tricycle at delivery drivers na ginanap sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex.

Balitang umabot na sa 35,572 ang lahat ng nabakunahan sa Maynila kasama na ang mga nagtungo at nagpaturok ng COVID-19 vaccine sa CCP complex.

Duda ng marami ay baka raw sina Mayor Isko at VP Leni ang mag-tandem sa darating na Presidential at Vice Presidential elections sa 2022.

Pero kaagad naman itong pinabulaanan ng alkalde ng Maynila, hindi pa raw niya naiisip ito dahil mas inuuna niyang ayusin na mabakunahan muna ang lahat ng constituents niya bago niya isipin ang eleksyon.

Ayon pa kay Yorme ay target ng Manila City government sa katapusan ng Hulyo, 2021 ay nabakunahan na ang lahat ng taga-Maynila.Aniya, “We need your support! Let’s Go for herd immunity by the end of July!”

Pinayagan na rin na mabakunahan ang mga walk-in sa mga vaccination sites base na rin sa utos ni Mayor Isko para mas mapabilis ang proseso.

Ang slogan pa nga ngayon ni Mayor Isko, “Vaccine jabs will bring back jobs.”

* * *

Inamin ni Jake Ejercito na ang lahat nang kinikita niya ngayon ay inilalaan niya para sa anak niyang si Ellie Eigenmann Ejercito.

Aniya, “With my first salary, I also invested it. Siyempre may nine-year-old na ako. She’s turning 10 this year.

“Unfortunately for Father’s day I wasn’t able to spend it with her because she’s in Siargao right now with Andi (Eigenmann), so, Face Time muna kami,” aniya pa.

Nabanggit din ng aktor na okay na okay na sila ni Andi at maayos ang  co-parenting agreement nila para sa kanilang anak at prayoridad nila kung ano ang ikabubuti ng bagets.

Handa ring makatrabaho ni Jake ang ina ng kanyang anak, “Why not? I always say happy Andi happy Ellie. And I’ve met Philmar (Alipayo) already. We have a decent and a civil relationship naman.”

Samantala, natanong din si Jake kung payag ba siyang mag-showbiz ang anak, “I won’t say no!” sambit ni Jake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending