Jake masaya sa co-parenting setup nila ni Andi: Nakikita ko kay Ellie na hindi na siya nahihirapan... Bandera

Jake masaya sa co-parenting setup nila ni Andi: Nakikita ko kay Ellie na hindi na siya nahihirapan…

Ervin Santiago |April 19,2021
share this

Jake masaya sa co-parenting setup nila ni Andi: Nakikita ko kay Ellie na hindi na siya nahihirapan…

Ervin Santiago - April 19, 2021 - 09:38 AM

HINDI rin naging madali para sa dating magkarelasyon na sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann ang pinagdaanan nila bilang mga magulang ni Ellie.

Dumaan din talaga sila sa maraming challenges bago naging maayos ang co-parenting setup nila para sa panganay nilang anak na turning 10 years old na ngayong taon.

Ayon kay Jake sa interview ng Cinema One kamakailan, hindi niya tinatanong si Ellie hinggil sa set-up nila ni Andi sa pag-aalaga at pagpapalaki sa bata.

“I don’t really ask Ellie about it. Parang nao-observe ko lang sa kanya. Kasi siyempre Andi and I, yung relationship naman namin when it comes to co-parenting, hindi naman naging smooth lagi and hindi naman siya smooth ever since,” paliwanag ng binatang ama.

Dagdag pa niya, “Marami kaming pinagdaanan na phases. Siyempre before, immature pa kami and everything. So medyo malayo din yung nilakbay bago naging ganito ka-settled and smooth.”

Nagpapasalamat din si Jake dahil sa kabila ng mga pinagdaanan nila ni Andi noon, naging maayos din ang lahat para na rin sa kapakanan ni Ellie na aniya’y napakabilis lumaki.

“Nakikita ko lang sa kanya dati, may times na kapag magulo, siyempre nakikita ko kay Ellie na nahihirapan din siya.

“And what’s good about now is parang kasi ang priority namin is yung what’s good for Ellie. So nakikita ko sa kanya na hindi na siya nahihirapan, smooth lahat, okay yung communication,” pahayag pa ng aktor.

Samantala, nagkuwento rin ang anak ni dating Pangulong Joseph Estrada tungkol sa pagpunta niya sa Siargao para sunduin si Ellie.

“I went there just to pick her up, para sunduin siya, kasi nga considering si Andi may bagong baby. She has Lilo also.

“Mahihirapan siya kung siya pa ang magdadala dito kay Ellie. So nakiusap sa akin si Andi, kung puwede ko sunduin si Ellie and that’s what I did,” chika ng binata.

Nagsilbing tour guide nga ni Jake ang anak nang maglibot siya sa isla ng Siargao, “I asked her to show me kung saan siya nagpupunta every day, kung saan siya naglalaro, kung saan siya kumakain. So ‘yun ang mga inikot namin while I was there.”

Na-meet din niya roon ang fiancé ni Andi na si Philmar Alipayo at ang bagong-silang na bunsong anak ng engaged couple na si Baby Koa.

“Si Lilo kasi na-meet ko na rito sa Manila. And then the youngest, si Koa, I met there in Siargao and also si Philmar. It was a first time also na I met him when I was there,” sabi pa ni Jake.

Sa isang bahagi rin ng panayam, natanong ang aktor kung ano ang ugali niya ang namana ni Ellie, “We’re both very, very shy, kami ni Ellie. I guess si Andi rin naman, medyo mahiyain rin si Andi. Si Ellie isn’t that expressive.

“Pero once in a while, out of nowhere, mag ‘I love you, Dad’, mag ‘Thank you, Dad.’ Yun na yun for her, and more than enough na yun for me when I hear those words from her,” sey pa ng binatang ama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending