Nio Tria aprub kaya sakaling ikasal inang si Cherry Pie kay Edu?
PAYAG kaya ang anak ni Cherry Pie Picache na si Nio Tria sakaling magpakasal ang kanyang ina sa current showbiz dyowa nitong si Edu Manzano?
Sa nagdaang virtual media conference ng “Saying Goodbye” kung saan isa si Nio sa mga casts kasama sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Andrea Abaya, at Kobie Brown ay natanong nga ng isa sa mga press kung aprub siya sakaling magpakasal ang dalawa.
“I think it’s their decision. I support my mom and I respect her decisions. If ever in the future, they would want to get married, I would accept it because I trust my mom’s decision,” sagot ni Nio.
Kuwento niya, hindi na siya nagulat nang pumutok ang balita na in a relationship na ang ina at si Edu ay hindi na siya nagulat dahil alan na niya ito bago pa man ito nag-viral dahil dumadalaw na ang aktor sa kanila at nakakausap na rin niya ito.
“I’m just really happy for my mom kasi nakikita ko naman na masaya siya ngayon and she deserves to be happy,” saad ni Nio.
View this post on Instagram
Pagkukuwento pa ni Nio, kilala na niya si Edu dahil syempre artista ito at sikat pero ngayon pa lang niya ito mas kinikilala sa mas malalim na way.
“Now I am starting to get to know him as well. We’d have lunch, we’d have dinner sometimes with my mom.”
Naikuwento rin ni Nio na nasa getting to know stage na rin siya sa anak ni Edu na si Luis Manzano na kasalukuyang kasama nila habang nasa mediacon si Nio.
“First time namin mag-meet [ni Kuya Luis] today. I met him before kasi my mom guested sa ‘Deal or No Deal’ which he was hosting siguro around five or six years ago,” pag-alala niya. “Now is the only time that I get to meet him again.”
Matatandaang nitong Nobyembre nang kumpirmahin ni Edu ang kanilang relasyon ni Cherry Pie kay Cheryl Cosim.
Related Chika:
Anak ni Cherry Pie botong-boto kay Edu: Tsaka malaki na si Mom, alam na niya ginagawa niya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.