Eian Rances boto kay Brenda Mage na maging 'PBB' big winner | Bandera

Eian Rances boto kay Brenda Mage na maging ‘PBB’ big winner

Therese Arceo |December 20,2021
facebook
share this

Eian Rances boto kay Brenda Mage na maging ‘PBB’ big winner

Therese Arceo - December 20, 2021 - 11:55 PM

Eian Rances boto kay Brenda Mage na maging 'PBB' big winner

BUONG tapang na ibinahagi ng “Pinoy Big Brother” ex-housemate na si Eian Rances na si Brenda Mage ang karapat-dapat na maging big winner sa mga natitirang housemates.

Isa si Eian sa mga napili ng taumbayan na tuluyan nang lumabas sa Bahay ni Kuya kasama ang kapwa housemate na si Jordan Andrews.

Sa kanyang paglabas ay sinalubong siya ng mga “PBB” hosts na si Bianca Gonzales at Robi Domingo kasama ang ama nitong si Daddy Freddie virtually.

Agad naman siyang tinanong ni Bianca kung sino sa mga natitirang housemates niya sa loob ng Bahay ni Kuya ang nagbigay ng pinakamalaking sakripisyo o ambag para manalo sa edisyon ngayon ng PBB.

“Para sa akin kung sakripisyo ‘yung pag-uusapan, na lahat ay ibinigay ng todo — lahat naman kami. Pero from the outside na dinala niya sa loob ng bahay ‘yung sakripisyo na ‘yon — it’s Brenda,” saad ni Eian.

“Shinare sa amin ni Brenda ‘yung hirap na pinagdaanan niya sa labas na dinala niya hanggang loob. Ipinakita niya rin kung paano siya naghihirap sa labas. Alam ko gustong-gusto niya ito, matagal niyang ipinagdasal ito,” dagdag pa niya.

Isa si Brenda sa mga naging malapit na kaibigan ni Eian sa loob ng Bahay ni Kuya. Isa rin sila sa mga controv ersila housemates na talaga namang pinag-usapan ng mga netizens.

Sa katunayan nitong nakaraang linggo ay naharap sa matinding pagsubok ang kanilang pagkakaibigan dahil sa biglang pagiging close ni Eian sa kapwa housemate na si Alexa Ilacad.

Ayon kay Brenda, labis siyang nagselos sa dalawa dahil pakiramdam niya ay naiwan siya sa ere matapos nilang mahati sa dalawang grupo at mawalan ng komunikasyon sa isa’t isa.

Lalo pang tumindi ang tampo ni Brenda ng makita ang dalawa na magkayakap at sweet na sweet na nagsasayaw sa garden.

Tinawag rin ni Brenda na plastic ang binata at hindi nagpapakatotoo dahil hindi raw tugma ang mga sinasabi nito sa mga ipinapakita niyang kilos.

Agad namang naresolba ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa tulong na rin ng mga housemates.

Sa huli ay nanaig pa rin ang pagmamahalan at pagkakaibigan sa dalawa at piniling patawarin ang isa’t isa at magsimula ulit ng mas matatag pang pagkakaibigan.

Pinatunayan naman ni Eian na hanggang sa huli ay mananatili si Brenda bilang isa sa kanyang mga bestfriend nang piliin niya ito bilang big winner sa celebrity edition ng “Pinoy Big Brother Kumunity 10”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Brenda Mage ‘sukang-suka’ sa closeness nina Alexa at Eian: OMG! Pang-Oscars ang aktingan!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending