Zoren Legaspi inamin na may 'third party' sa relasyon nila ni Carmina Villarroel | Bandera

Zoren Legaspi inamin na may ‘third party’ sa relasyon nila ni Carmina Villarroel

Therese Arceo |December 16,2021
facebook
share this

Zoren Legaspi inamin na may ‘third party’ sa relasyon nila ni Carmina Villarroel

Therese Arceo - December 16, 2021 - 08:57 PM

Zoren Legaspi inamin na may 'third party' sa relasyon nila ni Carmina Villarroel

SINO ang mag-aakala na mayroon palang “third party” sa smooth-sailing relationship ng celebrity couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel?

Kuwento ni Zoren sa isang press interview para sa “The End Of Us”, hindi naman mawawala sa buhay mag-asawa ang pagtatalo at pag-aaway.

“‘Yung buhay mag-asawa, maaaring maging perfect pero hindi mawawala ‘yung pagtatalo, pag-aaway, or ‘yung bagyong dinadaanan. Hindi mawawala ang bagyo, dadaan at dadaan ang isang marriage sa isang bagyo.

“Yeah dumadaan kami sa mga gano’ng klaseng bagyo and it’s just so happen na pag mayroon talagang pagmamahalan, ‘yung bagyong ‘yon is just a phase, a temporary obstacle,” saad ni Zoren.

Lahad naman ni Carmina, marami ang nag-aakala na almost perfect ang kanilang relasyon pero sa totoo lang ay may mga hindi rin sila pagkakaunawaang mag-asawa.

“Siguro akala lang ng mga tao na… ideal couple, ideal family,but I always say na we are not perfect. Ofcourse, mayroon kamin differences. Bickering kaming dalawa but ofcourse mararamdaman mo naman ‘yung respeto at pagmamahal.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)

At sa kabila nga ng pag-aakala ng madlang pipol na tila perfect ang relasyon nila ay hindi nila alam na may “third party” sa kanilang relasyon.

Pag-amin pa ni Carmina, isa lang daw ang “mistress” na kaya niyang tanggapin at ito ay ang motor at bicycle ng asawa.

“‘Yun yung third party namin, bisikleta at motor,” sey ni Zoren.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagamat ayaw raw ni Carmina sa mga ganitong klase ng sasakyan ay wala siyang magawa dahil hilig ito ni Zoren.

“Si Carmina, hindi siya masaya kasi nerbyosa. Isang tingin sa akin kapag naka-motorcycle gear, I think it’s mental torture [sa kanya] kapag nagmo-motor ako… Wala eh, mahilig akong mag-motor,”pagpapaliwanag pa ni Zoren.

Related Chika:
Carmina biglang naiyak sa tanong ni Zoren; Mavy super proud sa kanyang mommy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending