CHARICE asawa na ang turing kay ALYSSA QUIJANO: Feeling ko nga, kasal na kami! | Bandera

CHARICE asawa na ang turing kay ALYSSA QUIJANO: Feeling ko nga, kasal na kami!

Cristy Fermin - September 14, 2013 - 03:00 AM

Habang tumatagal ang kanilang relasyon ay mas kapansin-pansin ang lumalalim pang pagmamahalan nina Charice Pempengco at Alyssa Quijano.

Wala na silang itinatago, hindi sila bastusin dahil hindi naman malaswa ang kanilang mga ikinikilos, pero mararamdaman mo ang pagmamahal at respeto nila sa bawat isa kapag nakasama mo sila.

Nu’ng makakuwentuhan namin ang magaling na international performer nu’ng maging guest sila sa The Mega And The Songwriter (na mapapanood na bukas, alas nuwebe nang gabi, sa TV5) ay nag-duet pa sila ni Alyssa.

Sa mga hindi pa nakakaalam, siyam na taong gulang silang pareho nang maging magkalaban sila sa isang singing contest, may crush na si Charice nu’n pa kay Alyssa pero nabuo lang ang kanilang relasyon nitong huli nilang pagkikita.

Ayon kay Charice ay nagpapagawa na sila ng bahay ngayon ni Alyssa sa bandang Laguna, malayo na talaga ang inaabot ng kanilang mga plano at pangarap, dahil bahay na ang pinagkakaabalahan nila ngayon.

“Ang feeling ko nga, e, parang married na kami,” mabilis pang komento ng mapormang singer. Masaya rin si Charice dahil mas maganda na kesa sa dati ang relasyon nila ngayon ng pamilya ng dalaga.

Kapag ang kanyang inang si Aling Raquel naman ang napag-uusapan ay halatang nawawalan ng kibo ang magaling na singer. Puwedeng dahil ayaw na niyang magsalita pa para hindi masaktan ang kanyang ina at puwede rin namang dahil wala siyang ganang pag-usapan ang taong nanakit sa kanya nang todo.

May magneto si Charice  kapag nasa entablado na, kapag kumakanta siya ay hawak niya sa leeg ang manonood, puso naman kasi niya ang kumakanta at hindi ang bibig lang niya.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending