Brillante Mendoza gustong ibandera ang iba’t ibang klase ng lesbian love affair
Rash Flores, Cara Gonzales at Brillante Mendoza
ISANG dream come true para sa veteran award-winning director na si Brillante Mendoza ang unang collaboration nila ng Viva Communications big boss na si Vic del Rosario.
Si Brillante ang direktor ng pinag-uusapan ngayong LGBTQIA+ movie na “Palitan” na humahataw ngayon sa streaming platform na Vivamax na pinagbibidahan ng mga palaban sa hubaran na sina Cara Gonzales, Jela Cuenca, Rash Flores at Luis Hontiveros.
Ayon kay Direk Brillante, simula pa lamang ito ng pagsasanib-pwersa ng kanyang production team sa Viva, “Whenever I see Boss Vic abroad, sa mga festival, sabi niya, ‘Kailan tayo gagawa?’ Sabi ko malapit na Boss, malapit na.’”
Isang GL o girls love movie ang “Palitan” kung saan talagang tumodo sa paghuhubad at love scenes ang apat na bida ni Direk Brillante. Ipinakita rin dito ang isang uri ng lesbian relationship na siguradong marami ring makaka-relate.
Sa tanong kay Direk Brillante kung bakit isang GL movie ang una niyang ginawa sa Vivamax, “Ang GL kase ay importante ring subject matter sa atin like BL considering na catholic country tayo and yet ironically tayo ang isa sa pinaka-liberated na bansa pagdating sa same gender relationship.
“Although dito sa atin compared sa ibang bansa hindi pa ganoon ka-accepted ang lesbian relationships,” aniya pa.
View this post on Instagram
Todo puri rin siya sa apat na baguhan niyang artista sa pelikulang “Palitan,” “Alam n’yo, masarap katrabaho ang mga baguhan. Kahit si Coco (Martin) at si Vince (Rillon) nag-umpisa silang magbida sa first film nila pero baguhan sila.
“Kapag bagong artista kase raw pa ang emotion. Kung ano ang sabihin ng director sinusunod lang nila. Hindi yung kung anu-ano ang nilalagay sa utak nila na kung minsan nakakalito na kapag nakita sa screen,” katwiran ng Cannes Best Director.
“Siguro kailangan lang ng trust at seryosong usapan bago pa man mag-shoot. Na ang paggawa ng pelikula at pag-arte ay isang professional na trabaho at hindi raket lang.
“Siguro sa umpisa pa lang dapat maramdaman na ng mga artista na seryosong trabaho ang ginagawa naming lahat,” sey pa ni Direk.
Ibinalita rin niya na naka-line up na rin ang dalawa pang pelikula niya sa Vivamax, ang “Sisid” nina Kylie Verzosa, Vince Rillon at Paolo Gumabao, at ang “Bahay Na Pula” starring Julia Barretto, Xian Lim at Marco Gumabao.
Samantala, ang “Palitan” ay mula sa panulat ng Palanca award-winning screenwriter na si Honeylyn Joy Alipio. Siya rin ang sumulat ng pelikulang “Taklub” na umani ng Prize of the Ecumenical Jury award sa Cannes Film Festival noong 2015.
Si Honeylyn din ang sumulat ng “Mindanao” na nakapag-uwi naman ng dalawang award mula sa 41st Cairo Film Festival.
View this post on Instagram
https://bandera.inquirer.net/300017/palitan-ni-brillante-mendoza-mapapasama-kaya-sa-film-festival-sa-ibang-bansa
https://bandera.inquirer.net/298331/luis-hontiveros-hindi-ipinaalam-sa-pamilya-ang-paghuhubad-sa-palitan-ni-brillante-mendoza
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.