Marian inakyat si Beatrice sa stage ng Miss Universe 2021, sigaw sa Pinoy fans: Proud tayo, di ba?! | Bandera

Marian inakyat si Beatrice sa stage ng Miss Universe 2021, sigaw sa Pinoy fans: Proud tayo, di ba?!

Ervin Santiago |December 13,2021
facebook
share this

Marian inakyat si Beatrice sa stage ng Miss Universe 2021, sigaw sa Pinoy fans: Proud tayo, di ba?!

Ervin Santiago - December 13, 2021 - 03:04 PM

Marian Rivera at Beatrice Gomez

HINDI pinalampas ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang pagkakataon na ma-meet at makausap nang personal si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.

Tuwang-tuwa ang mga Pinoy pageant fans sa mga kumalat na pictures ng dalawa sa social media na kuha pagkatapos ng 70th Miss Universe grand coronation na ginanap sa Eilat, Israel.

Isa si Marian sa naging miyembro ng selection committee ng ika-70 edisyon ng Miss Universe at in fairness, talagang tinilian at pinalakpakan ang asawa ni Dingdong Dantes nang ipakilala siya bilang judge sa pageant.

Ipinaramdam nga ni Marian kay Bea ang kanyang todong pagsuporta sa paglaban nito sa nasabing international pageant kahit na nabigo ang dalaga na maiuwi sa Pilipinas ang titulo at korona.

Hanggang sa Top 5 umabot si Bea at hindi na umusad sa Top 3 finalists, ngunit marami pa rin ang nagbunyi para sa kanya lalo na ang mga Pinoy pageant fans all over the universe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Beatrice Luigi Gomez (@beatriceluigigmz)


Si Miss India Harnaaz Sandhu ang itinanghal at kinoronahang 2021 Miss Universe.

Going back to Bea, talagang umakyat pa si Marian sa stage ng Miss Universe para personal na batiin ang dalaga.

Sa isang maikling video na nakita namin sa social media, makikitang nag-uusap ang Kapuso actress at ang beauty queen mula sa Cebu sa isang bahagi ng entablado.

Sa isang bahagi ng video, super yakap din si Marian kay Beatrice habang pinanonood sila ng mga kapwa Pinoy na nasa audience.

Nang madinig ang sigawan ng mga ito, biglang humarap sa kanila si Marian sabay sabing, “Proud tayo, di ba?” Na sinagot ng malakas na hiyawan ng mga Filipino sa venue bilang pagsang-ayon sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, bukod kay Bea, naging top trending topic din sa Twitter ang pagiging hurado ni Marian sa Miss Universe 2021.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)

Marian napiling judge sa Miss Universe 2021: Sabi ko talaga ba, ako? Totoo ba yan?

Beatrice Gomez bet maging action star; willing gumawa ng stunts kahit walang ka-double

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending