OSANG 'GUILTY' sa breach of contract, P2-M danyos ang babayaran sa GMA 7 | Bandera

OSANG ‘GUILTY’ sa breach of contract, P2-M danyos ang babayaran sa GMA 7

Ervin Santiago - September 14, 2013 - 03:00 AM


“Guilty!” ang naging hatol ng korte kay Rosanna Roces sa kasong isinampa laban sa kanya ng dati niyang mother network na GMA 7 matapos ang halos walong taong pagdinig.

Ayon sa desisyon ng Quezon City Regional Trial Court, napatunayang lumabag si Osang sa kontrata nito bilang host ng StarTalk noong 2004.

Kinasuhan ng Kapuso station noong 2005 ang aktres ng breach of contract matapos siyang lumabas sa showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN na The Buzz.

Ipinagbabawal daw ito ng kanyang kontrata sa GMA. Sa 7-pahinang desisyon ni Presiding Judge Alfonso C. Ruiz III ng RTC Branch 216, hindi sapat ang pagpapaalam ni Rosanna sa StarTalk na nais na niyang mag-retire sa showbiz upang mapawalang-bisa ang kontrata nila.

“She cannot unilaterally dismiss a contract which she voluntarily entered into with the mere declaration that she is retiring from show business, and then escape the obligations stated in the contract,” ayon sa korte.

Aabot sa P2 million ang hinihinging damage ng GMA kay Osang para sa “liquidated damages” na nagkakahalaga ng P1.5 million, P400,000 para sa “exemplary damages,” at “attorneys fees and cost of suit” na nagkakahalaga naman ng P100,000.

Hintayin natin ang magiging paliwanag ni Osang hinggil dito at kung paano niya ito haharapin.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending