Dyowa ni Brenda Mage tinawag na ‘beki’ si Eian Rances, umaming nagselos: I love you babe, I miss you
Eian Rances, Brenda Mage at Kelvin Simbulan
TINAWAG na “bakla” ng boyfriend ni Brenda Mage na si Kelvin Simbulan ang celebrity housemate sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” na si Eian Rances.
Kumalat ang isang maikling video clip sa social media kung saan mapapanood ang kuwentuhan ng mga kaibigan ni Brenda Mage at ng dyowa nito tungkol sa mga nagaganap sa loob ng Bahay ni Kuya.
Dito, diretsong inamin ni Kelvin na medyo nagseselos siya sa pagiging super close ng dyowa niya sa kapwa housemate nitong si Eian.
May isang netizen ang nag-comment na binasa ng kaibigan nina Brenda at Eian, “Hindi dapat magselos kay Eian kasi naamoy ko siya, alam niyo na.”
Kaya naman tinanong nga si Kelvin ng isang kaibigan kung nagseselos na ba siya sa pinaggagawa ng partner niya at ni Eian sa loob ng “PBB” house.
Sagot naman ni Kelvin, totoong nagseselos siya, “Konti. Pero bakla si Eian.”
View this post on Instagram
In fairness, talaga namang kaduda-duda na ang galawan nina Brenda at Eian. Sa katunayan “baby shark” na ang tawagan nila sa isa’t isa at sa bawat episode ay halatang kakaiba na ang closeness nila.
May eksena pa nga na nag-dialogue si Eian ng, “Nami-miss ko na kayakap si Brenda…kahit may amoy!”
Pero mukhang hindi naman basta-basta isusuko ni Kelvin si Brenda kay Eian base na rin sa mensahe nito sa komedyante habang magkalayo sila.
“Wag ka nang malungkot sa bahay ni kuya. Nandito lang kami ni Chuchay at ang gwapong-gwapong ako. I love you sa ‘yo babe. I miss you. Galingan mo palagi,” ang promise pa ni Kelvin kay Brenda Mage.
https://bandera.inquirer.net/299841/brenda-mage-kasama-sana-sa-darna-pero-pinili-ang-pbb-ako-si-valentina-pero-tinanggihan-ko-charot
https://bandera.inquirer.net/296266/netizens-nabastusan-nandiri-sa-ginawa-ni-brenda-mage-kay-eian-rances-sa-loob-ng-pbb-house
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.