AJ Raval matindi ang pinagdaanan: May mga death threats ako, galit na galit sila sa akin! | Bandera

AJ Raval matindi ang pinagdaanan: May mga death threats ako, galit na galit sila sa akin!

Ervin Santiago |December 12,2021
facebook
share this

AJ Raval matindi ang pinagdaanan: May mga death threats ako, galit na galit sila sa akin!

Ervin Santiago - December 12, 2021 - 06:48 AM

AJ Raval at Wilbert Ross

HINDI in-expect ng controversial actress na si AJ Raval na mapapasama ang kanyang pangalan sa listahan ng “top searched female personalities” online.

Si AJ ang nasa 3rd spot habang nanguna naman sa list ang Kapamilya actress na si Yen Santos at pumangalawa si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

“Hindi ko alam yun! Sa totoo lang, wala akong social media ngayon. Kung nakikita niyong active yung social media ko hindi ako yung gumagamit, admin lang,” ang reaksyon ni AJ nang matanong tungkol dito sa nakaraang virtual mediacon ng bago niyang movie sa Vivamax, ang “Crush Kong Curly.”

Pagpapatuloy pa niya, “Sobrang grateful ako and thankful dahil napabilang ako dun. Pero sobrang happy at sobrang flattered ako. Meron mang galit sa akin, marami pa rin namang nagmamahal sa akin at saka natutuwa. 

“Kaya sobrang grateful ako and thankful lalo na sa mga fans at sa lahat ng sumusuporta sa akin. Dahil kung hindi rin dahil sa kanila ay hindi ko maaabot yung ganito. 

“And of course sa mga boss natin kasi binibigay nila nang buo yung tiwala sa akin,” pahayag pa ng dalaga.

Sa “Crush Kong Curly”, gaganap si AJ bilang sexy online streamer na si Elle. Aniya, may mga pagkakapareho rin sila ni Elle sa ilang aspeto ng kanyang personalidad.

“Si Elle kasi at saka yung ginagawa ko noon may similarity din kasi dati rin akong nag-si-stream. So nagbibihis din ako before ng mga costume dahil nasa gaming ako before.

“Pero hindi ako nagse-sexy sa streaming. Si Elle naman naiintindihan ko naman siya kasi parang lahat naman ng ginagawa niya may rason. May meaning kung bakit siya nagse-sexy. Parang ako rin sa work ko nagse-sexy ako, may meaning din yung ginagawa ko,” chika ng aktres.

Kylie sa pamba-bash kina AJ at Aljur: I wish you guys are more careful, don’t blame it on me


Samantala, hangga’t maaari ay ayaw nang patulan ni AJ ang mga nangnenega at nambabastos sa kanya sa social media. Dedma na rin siya sa mga isyu sa kanila ni Aljur Abrenica at ni Diego Loyzaga.

“Sa side ko naman, before affected naman talaga ako, aminado ako doon. Pero habang tumatagal may realizations ako na nagsabi naman ako ng totoo, nag-explain din naman ako.

“Yung ibang side, sinubukan din naman akong protektahan pero hindi lahat maiintindihan ng mga tao or pipiliing unawain yung sitwasyon namin. 

“They tried naman na protektahan ako pero yun lang yung pagkakaintindi ng mga tao, eh. So parang hindi ko na lang ipu-prove yung worth ko. Alam ko naman sa sarili ko yung worth ko,” paliwanag ni AJ na ang tinutukoy ay ang kontrobersyang nag-uugnay sa kanya kay Diego Loyzaga.

Sa presscon din ng “Crush Kong Curly” inamin ng aktres na talagang nagpahinga muna siya sa social media.

“Siguro dahil sobrang toxic na ng social media para sa akin. Siyempre ayoko na magpaapekto du’n. Honestly, at first nagme-mental breakdown ako. 

“Dahil tinray naman namin i-explain or sinubukan naman akong protektahan ng mga taga-kabila. Pero hindi pa rin maintindihan ng mga tao. 

“Ang dami kong nari-receive na mga kung anu-ano. May mga death threats pa, may mga galit na galit sa akin. Nag-detox na lang ako kasi nakakasira talaga ng mental health yung social media,” aniya pa.

Pero nilinaw ni AJ na hindi na niya kinailangan pang humingi ng professional help, “Hindi na kasi parang ako na rin mismo tumulong sa sarili ko.

“Ang dami kong nagawa ever since nag-social media (detox) ako. Nilibang ko yung sarili ko, lumipat ako ng bagong bahay, nakabili ako ng bagong sasakyan. Parang yung negative na nangyayari, ginawa ko siyang positive. Parang gusto ko din mag-improve sa sarili ko. Gusto ko rin mag-grow,” paliwanag pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, mapapanood na ang romantic sexy comedy film na “Crush Kong Curly” sa Vivamax simula sa Dec. 17. Kasama rin dito sina Wilbert Ross, Chad Kinis, Maui Taylor, Jao Mapa at Gina Pareño, sa direksyon ni GB Sampedro.

AJ nagsalita na ukol sa pagiging ‘kabit’: Never po nanligaw si Diego sa akin

AJ Raval napaiyak sa presscon: Hindi ako nagsinungaling pero na-judge pa rin ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending