Aiko Melendez magse-self manage na; Troy Laureta naglabas ng ‘Giliw’ album tampok ang mga award-winning artists
WALA na palang manager si Aiko Melendez.
Nakita namin ang pinost niyang official statement mula sa mga abogado niyang sina Atty. Elmer G. Train at Atty. Ernesto Angelo S. Limjoco na siya na ang magma-manage ng career niya.
Base sa statement:
Aiko Melendez to manage her own career.
“Starting December 10, 2021, Ms Aiko Melendez will be managing her own career after numerous years in the industry.
“The veteran actress sincerely expresses her gratitude to ALV Talent Circuit, Inc. who has consented to her decision, for all that they have accomplished together through the years.
“Ms. Melendez will be managing own career under the supervision of Ms. Ian Buenaventura.
“Inquiries regarding working with Ms Melendez may be sent to Ms Buenaventura at 0961-2281615.
“Ms Melendez is excited for this next chapter on her career and thanks her fans for their understanding and continued support.”
View this post on Instagram
Kung hindi kami nagkakamali ay taong 2019 nang pumirma ng three-year contract si Aiko kay ALV na ginanap pa nga sa Novotel at dahil 2021 na ngayon ibig sabihin ay natapos na rin pala ng aktres ang kontrata.
Anyway, abala pa rin si Aiko sa pag-iikot niya sa District 5 ng Quezon City kung saan kakandidato siyang konsehal at base sa mga nakita naming post niya sa social media account niya ay talagang iniisa-isa niya ang mga loob ng mga barangay na makikipot ang daan at kinakamayan niya ang lahat at yumayakap pa lalo na sa mga senior citizens na napapasayaw pa.
Samantala, may FB live pa-raffle pala si Aiko sa mga taga District 5 ng QC sa mismong kaarawan niya, December 16 sa ganap na 3-4PM.
Ang caption ni Aiko sa video post niya, “Mga ka Distrito 5 dahil birthday at anniversary ko sa showbiz sa Dec 16 ako ang may regalo para sa inyo. All you have to do is like, Share at i-heart ang aking Aiko Melendez QC page sa Facebook at manalo ng mga papremyo mula sa aming team. Kita kits tayo po sa Facebook live ko Dec 16 3pm po Aiko Melendez QC page. #nagmamahalatnaglilingkod #teamAIKOmelendez #konsiAIKOaalagaanka
* * *
Kabilang ang Grammy award-winning artists na sina Deborah Cox at All-4-One at “American Idol” season 2 winner Ruben Studdard sa bagong handog ng Fil-Am music director na si Troy Laureta na patuloy na ibinibida ang musikang Pinoy sa pamamagitan ng kanyang bagong album na “Giliw: A Troy Laureta OPM Collective Vol. 2.”
Inilabas isang taon pagkatapos ipakilala ang matagumpay na “Kaibigan” OPM collective, ang “Giliw” album ni Troy ay may 13 tracks kasama ang “Magkasuyo Buong Gabi” duet nina Deborah at Ruben at reimagined version ng “Laging Tapat” mula sa American singer na si Skylar Stecker. Bahagi rin nito ang male R&B at pop group All-4-One para sa kantang “Paano Ang Puso Ko.”
Nadagdagan pa ang American singers na sumubok umawit ng OPM kabilang na ang classical singer na si Fernando Varela para sa rendisyon niya ng “You Are My Song,” habang ang singer-songwriter na si Shoshana Bean ang nagbigay-buhay sa classic ballad na “Kailangan Ko’y Ikaw.” Tampok din si “Never Enough” singer Loren Allred na kinanta naman ang “Araw Gabi.”
View this post on Instagram
Mapapakinggan din sa album si Boy Abunda para sa “Interlude: Pag-ibig” habang si Jona naman ang naghatid ng remake ng “Someone To Love Me.” Maririnig din dito ang “Intro: Kaibigan” na mula sa “The Voice Kids Philippines” season 4 contestant na si Adah.
Nagbabalik naman ang kapatid na singer ni Troy na si Cheesa na inawit ang 90’s hit na “Kaba.” Syempre, kasama pa rin sina Nicole Scherzinger at Regine Velasquez na nagsanib-pwersa para sa awiting “Nandito Ako.” Si Jake Zyrus na kabilang din sa naunang “Kaibigan” album ay nagbabalik din para sa kantang “Maghintay Ka Lamang” pati na rin sa “Outro: “Kung Kita’y Kapiling.”
Isang initiative ni Troy katulong ang ABS-CBN Music International, sinusundan ng “Giliw” ang kanyang “Kaibigan” OPM collective na binuo upang balikan ang ilan sa Pinoy song classics at bigyan ito ng bagong interpretasyon ng Filipino at non-Filipino artists at ipakalap pang higit ang OPM masterpieces na ito sa global stage.
Mapapakinggan na ang “Giliw” album sa music streaming platforms worldwide. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
Other Chika:
Aiko: Hindi ako naghihirap pero hindi ko rin masasabing mayamang-mayaman ako…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.