Biktima ng scammer nagsumbong kay Willie: Huwag kayong basta patol nang patol sa mga ganyan
Willie Revillame
AWANG-AWA ang TV host-comedian na si Willie Revillame sa isang contestant na maswerteng nanalo sa isang episode ng “Wowowin: Tutok To Win”.
Umiiyak kasing nagsumbong si Aira na taga-Quezon Province kay Willie na nabiktima siya at ang kanyang pamilya ng isang sindikato sa social media.
Ayon sa lucky winner, naubos daw ang ipon nilang pera dahil sa pangbubudol sa kanila at dahil dito ay hirap na hirap sila ngayon sa pera.
“Simula po kasi noong nag-pandemic Kuya Will walang-walang kami, na-scam po ako.
“’Yan lang po inaasahan po talaga Kuya Will e, nasangla po kasi ‘yung bahay namin gawa ng na-scam ako,” umiiyak na sabi ni Aira kay Willie.
Sinabi naman ng TV host at komedyante na ilang beses na ring nabiktima ang “Wowowin” ng iba’t ibang modus ng mga manloloko sa social media at gamit pa mismo ng mga sindikato ang pangalan niya.
Kaya naman muling binalaan ni Willie ang mga manonood na triplehin ang pag-iingat at huwag basta-basta maniniwala sa mga promo o papremyo sa socmed.
Nagbigay naman si Willie ng payo at paalala sa publiko para makaiwas sa panggagantso ng mga scammer.
Ayon sa Kapuso TV host, “Huwag kayo basta patol nang patol sa mga ganyan. Huwag kayo naniniwala sa mga Facebook-Facebook o YouTube na iimbitahin kayo, hihingan kayo ng pera.
“Manonood kayo ng mga news sa 24 Oras, marami nagiging ganyan, kahit kami ini-scam kami,” dagdag pa niyang paalala.
Kung matatandaan, ilang beses nang nagbigay ng warning si Willie laban sa mga scammers na gumagamit sa pangalan niya at sa “Wowowin”.
May isang insidente pa nga kung saan mismong si Willie ang nakatanggap ng text mula sa scammer na nagpapanggap na siya at nanghihingi ng pang-load.
“Mag-iingat kayo sa mga scammer. Ngayon ho may nag text saamin, hinihingan ako, tinext pa ako. Nanghihingi po ng P40 pang load daw dahil birthday ko.
“Hindi ko ako hihingi ng kahit ano sainyo. Wag kayong maniwala diyan kung ano man ang hinihingi o ako yan. Hindi ho. Dito lang ho sa GMA7, YouTube, Facebook, Twitter niyo malalaman ang totoo. After po ng 6:30, pag may nanghingi sainyo, hindi na po kame yan. Scam na po yan.
“Jusko pati ba naman P40 hihingin ko pa sainyo. Tinext ako, siya Daw si Willie Revillame. Hello!” hirit pa ni Willie.
https://bandera.inquirer.net/295651/willie-tinawag-na-scammer-ng-bagong-panganak-na-ginang-sige-scam-pa-manloko-ka-pa
https://bandera.inquirer.net/295802/bitoy-kasambahay-nabiktima-ng-online-scammer-kapag-hindi-nyo-in-order-just-say-no
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.