Lalaki gumamit ng pekeng kamay para magpabakuna sa Italya Bandera

Lalaki gumamit ng pekeng kamay para magpabakuna sa Italya

|December 04,2021
share this

Lalaki gumamit ng pekeng kamay para magpabakuna sa Italya

December 04, 2021 - 04:55 PM

covid-19 vaccination cartoon

ROME–Buking ang isang Italyano matapos na gumamit ng pekeng kamay para “magpabakuna.”

Isang silicone na kamay na mapapagkamalan mong totoo ang ginamit ng isang lalaking  na gusto lamang makakuha ng Covid-19 vaccine certificate sa Biella, isang siyudad sa Italya, noong Huwebes ng gabi.

Pero hindi ito nakalusot sa mga health workers at kaagad na ini-report ang may 50 anyos na lalaki sa pulisya.

Tinawag ni Albert Cirio, pinuno ng Piedmont regional government, ang insidente na “ridiculous.”

Hindi umano katanggap-tanggap ang ganitong palusot kung iisipin ang mga pinagdaanang hirap at sakripisyo ng mga komunidad sa Italya noong unang nanalasa ang pandemya, kung saan maraming buhay ang nawala.

Naghihigpit na ang Italya sa mga taong hindi pa bakunado.

Simula pa noong Agosto, isang “Green Pass” na nagpapatunay na may bakuna, kare-recover lamang sa coronavirus, o negatibo sa test, ang kailangan para makakain sa mga restaurant, makapasok sa museum, sinehan, at teatro, at makapanood ng mga sporting events.

Pero mula Disyembre 6, ang mga aktibidad na ito ay maaari na lamang gawin ng may hawak na “Super Green Pass” na makukuha lamang ng mga taong may bakuna laban sa Covid-19.

Umaabot na sa 85 porsyento ng mamamayang may edad 12 pataas ang bakunado na.

Ang Italya ang unang bansa sa Europa na tinamaan ng pandemya noong maagang bahagi ng 2020 at 746,146 ang kabuuang bilang ng namatay noong taong nabanggit.

Mula sa ulat ng Agence France-Presse

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending