True ba, Aljur Abrenica, AJ Raval naghiwalay na? | Bandera

True ba, Aljur Abrenica, AJ Raval naghiwalay na?

Reggee Bonoan - December 01, 2021 - 05:14 PM
True ba, Aljur Abrenica, AJ Raval naghiwalay na?

“BAKA wala na rin sila,” ang komento ni Ogie Diaz sa tanong ni Mama Loi kung ano na ang estado at bakit hindi nagkokomento si Aljur Abrenica sa tsismis na dumadalaw si Diego Loyzaga kay AJ Raval.

Sa “Showbiz Update” YouTube channel nina Ogie, Mama Loi at Dyosa Pockoh on the side ay napag-usapan ang panayam ni Kylie Padilla sa tatay niyang si Robin Padilla na nabanggit na okay sila ng estranged husband, in speaking terms sila.

Bagay na pinuri nina Ogie at Mama Loi dahil ibig sabihin ay baka pagdating ng araw ay posibleng magkabalikan sila hangga’t wala silang karelasyon.

But since special friend ni AJ si Aljur kaya natanong kung bakit hindi nagkokomento sa Diego issue at sabi nga ni Ogie na “baka wala na rin sila.”

Sa pagpapatuloy ng talent manager at vlogger, “Nakakaloka ‘no kasi nagkakaroon ng playgirl image itong si AJ Raval so dapat malinis niya ito unless iyon talaga ang gusto niya magpa-sexy, e, di bagay sa playgirl image pero siyempre bilang Filipina ay mas gusto nila (netizens) na kahit nagpapa-sexy ka ay pinatutunayan mo pa rin na isa kang matinong babae.
“Hindi ko sinasabing hindi matino si AJ ah, kung baga ‘yun lang ang barometro o gauge ng mga tao na kapag nagpapa-sexy ‘yung isang babae pero sa kabila pala ng pagpapa-sexy niya ay conservative pala siya inside o off-cam.

“Anyway, sana magsalita rin si Diego para malinawan din ‘yang issue na ‘yan. And endindlg nito nakakaloka, sa inyo nag-end gayung ang pinag-uusapan dito ay sina Kylie at Robin,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

Tawang-tawa naman si Mama Loi sa ending, “Ha-haha! Sanga-sanga kasi , eh. Ito kasing si AJ.”

Hmmmm, kami rin na-curious ano na nga kaya ang estado nina Aljur at AJ ngayon?

Samantala, tungkol sa sinabi ni Barbie Imperial na kung hindi kabit si AJ dapat magsalita na siya na hindi totoo ang tsikang dinadalaw siya ni Diego sa bahay nila sa Pampanga.

Pero dedma ang sexy star na ayon kay mama Loi, “Silence means yes?” na sinang-ayunan din ni Ogie.
“Kaya dapat din magsalita si Diego kung ano ba ang totoo,” sambit ng host.

Hirit ni Mama Loi, “Actually, ‘yan ang tanong ng mga Marites, bakit si Barbie ang nagde- defend kay Diego?  Bakit hindi si Diego ang mag-defend sa sarili niya?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At bakit hindi dini-defend ni Diego si Barbie?  Dapat hindi na niya hinahayaang magsalita pa si Barbie,” saad ni Ogie.

Related Chika:
Nanay ni AJ Raval ipinagtanggol si Aljur sa basher: Sino ka para manghusga?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending