Lovelife hugot ni John Lloyd: Kung nahanap mo ang soulmate mo, I guess you're lucky Bandera

Lovelife hugot ni John Lloyd: Kung nahanap mo ang soulmate mo, I guess you’re lucky

Ervin Santiago |December 01,2021
share this

Lovelife hugot ni John Lloyd: Kung nahanap mo ang soulmate mo, I guess you’re lucky

Ervin Santiago December 01, 2021 - 07:13 AM

Bea Alonzo at John Lloyd Cruz

NANINIWALA ang itinuturing ding phenomenal loveteam ng Philippine showbiz na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa konsepto ng “soulmate”.

Ngunit may kanya-kanyang paliwanag ang mga bagong Kapuso stars kung bakit sila naniniwala na totoong may itinadhanang “soulmate” para sa bawat indibidwal sa mundo.

Natanong sina Bea at John Lloyd sa isang virtual presscon para sa bago nilang proyekto kung ano ba ang masasabi nila sa konsepto ng “soulmate.”

Ayon kay Bea, malalim ang pagkakaintindi niya sa salitang soulmate, “I believe hindi lang limited ‘yung soulmate to a romantic partner, parang it could be your best friend, pinsan mo, kapatid mo, nanay mo, tatay mo.”

Dagdag pa ng aktres, “And ang definition kasi ng soulmates siguro, para sa akin, two people who have intense feelings for each other or to have this unbreakable bond. Hindi lang siya necessarily just romance.”


Sumang-ayon naman si John Lloyd sa sinabi ng kanyang kaibigang aktres na super happy ngayon sa piling ng boyfriend nitong si Dominic Roque.

“I believe in the same thing, hindi siya limited to romance, hindi siya limited to that context na nakasanayan natin na we commonly associate it with.

“Parang between two people ‘yun na ‘yung pinnacle na puwede n’yo maabot in having a relationship. Parang ‘yun ‘yung idea na pinakamatibay na bond between two people,” pahayag ni Lloydie.

Patuloy pa niyang paliwanag, “’Di ba, in your life, kung mahanap mo yung soulmate mo or soulmates mo then, I guess, you’re lucky. 

“Hindi lahat nahahanap ‘yun, puwedeng sobrang dami mo naging partners, sobrang dami mo naging romantic partners, pero ‘yung soulmate parang rare,” diin pa ng box-office king.

Kung super happy at kuntento na ngayon si Bea sa kanyang lovelife, nananatili pa ring single si Lloydie at mukhang hindi muna niya priority ang pagdyodyowa matapos ang break-up nila ni Ellen Adarna.

Pero may nasagap kaming balita na hindi naman daw talagang malungkot ang aktor ngayon — totoo nga kaya ang chika na may bago na ring nagpapasaya kay John Lloyd? Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

https://bandera.inquirer.net/295174/bea-may-naisip-na-konsepto-para-sa-proyekto-nila-ni-marian-better-partner-na-raw-siya-ngayon

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending