Epekto kay Meryll ng bipolar disorder: Wala akong energy sa life, gustong kumain nang kumain
Meryll Soriano
KUNG may isang celebrity na very open sa pagkukuwento ng tungkol sa mga pinagdaanan niyang mental health issues, yan ay walang iba kundi si Meryll Soriano.
Sa bago niyang vlog sa YouTube, muling nagbahagi ang aktres ng ilang naging karanasan niya sa pakikipaglaban sa mental health problems, kabilang na ang pagkakaroon ng bipolar disorder.
May ilang tanong na sinagot si Meryll mula sa kanyang social media followers para sa pa-Q&A session niya na may titulong “Dear Mama Meme.”
Isang netizen ang nagtanong kay Meryll kung may nararanasan bang signs at symptoms ang isang taong may bipolar disorder.
“I’ve been very open about my condition. I’ve been diagnosed with bipolar disorder condition 14 years ago pa. That is why mental health is very, very important and close to my heart,” pag-amin ng anak ni Willie Revillame.
Kasunod nito, nabanggit nga niya kung ano ang ibig sabihin ng nasabing mental health condition, “Bipolar disorder, also known as manic depression, is a mental health condition that causes extreme shifts in moods that alternate between highs (mania), lows (depression).”
Isa raw sa naging epekto sa kanya nito ay ang katamarang bumangon at ang biglaang pagtaas ng kanyang timbang.
Paliwanag ni Meryll, “It is a problem of mine kapag nandoon ako sa depressive side. Ayokong bumangon, gustong kumain nang kumain. Wala akong energy sa life, wala akong gustong gawin, gusto ko magtago lang sa lungga ko and stay there for a couple of days until mawala siya. Hinihintay ko lang siyang mawala.”
View this post on Instagram
Pagpapatuloy pa niya, “Kung hindi pa ninyo nalalaman, I’ve been open about it also, mag-15 years na akong sober. Before I was diagnosed with bipolar disorder, kakatapos ko lang mag-drugs.
“I was a drug user during my younger years. And ‘yun nga when I got pregnant which is very good, hindi na ako nagda-drugs,” pahayag pa ng celebrity mom.
Pinayuhan din ni Meryll ang lahat ng may mental health issue na huwag mahiya o matakot na humingi ng tulong sa pamilya, mga kaibigan o mga kilalang eksperto.
“Puwede kayong mag-seek ng help. Kung meron kayong mga loved ones na sa tingin niyo nakaka-experience ng ganito, puwede ninyong kausapin.
“Kung kayo mismo ay nakaka-experience ng mga ganitong signs and symptoms, seek medical help. I think it’s good to know, to know really from a medical point of view na meron ka nga,” paliwanag pa ng partner ni Joem Bascon.
https://bandera.inquirer.net/284937/bwelta-ni-meryll-sa-bashers-nila-ni-joem-wala-akong-time-nag-aalaga-ako-ng-baby
Samantala, nasabi rin ni Meryll sa kanyang vlog na nahe-hurt siya kapag may mga nagsasabing dumaranas sila ng mental health problems na walang diagnosis mula sa mga espesyalista.
“Right now, maraming mga tao nagsasabi na ‘Naku, bipolar ako, naku, meron akong depression.’ You know, it’s very difficult to hear that na sinasabi ng taong wala naman talagang ganoon kasi hindi naman na-diagnose.
“It’s painful for us ‘yung diagnosed to hear that sa ibang tao, kasi it’s very difficult. Fourteen years kong na-experience ‘yung medically diagnosed, ha. Siyempre noong mga bagets ako, meron na ‘yan.
“Kahit naman wala kayo e, puwede naman kayong mag-consult ng health. Baka mamaya sa pandemic, marami kayong stress, marami kayong pinagdadaanan na, kahit wala po kayong mental health problem, talking to a therapist, talking to a doctor, talking to a psychologist, it really helps,” paliwanag ng aktres.
Muli, pinayuhan ni Meryll ang kanyang viewers na mas alagaan ngayon ang kanilang sarili, “I’m reminding everybody to be kind to yourself and take care of your whole wellness being. Importante ‘yan, love yourself first.”
https://bandera.inquirer.net/285728/meryll-nilabanan-ang-bipolar-disorder-depresyon-can-you-imagine-yung-journey-ko-na-chaos
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.