'Ano ang bet mo, love without sex o sex without love?' Bandera

‘Ano ang bet mo, love without sex o sex without love?’

Reggee Bonoan |November 28,2021
share this

‘Ano ang bet mo, love without sex o sex without love?’

Reggee Bonoan November 28, 2021 - 06:30 PM

Jela Cuenca, Cara Gonzales, Luis Hontiveros at Rash Flores

ANO ang pipiliin mo, love without sex o sex without love? Isa ito sa mga naitanong sa online mediacon ng pelikulang “Palitan” na mapapanood na sa Vivamax simula sa Dec. 10 mula sa direksyon ni Brillante Mendoza mula sa Viva Films.

Narito ang mga naging sagot ng mga bida sa pelikula na sina Luis Hontiveros, Jela Cuenca, Rash Flores at Cara Gonzales.

Pahayag ni Cara, “Para sa akin nangingibabaw kasi ‘yung love.  Meron nga sa part ng story nakuha mo ‘yung sex pero asan ‘yung love?  Wala na naiwan kang mag-isa.  Importante sa akin ‘yung love.  

“Kasi without sex magagawa mo ‘yung love paano kung may kapansanan ‘yung tao magagawa mo pa ‘yung sex? Handa ka bang tanggapin ‘yung taong may kapansanan kahit hindi mo magalaw, siyempre hindi. Kung love mo ‘yung tao kahit sino pa matatanggap mo,” sabi ng dalaga.

Ang Palestinian na si Rash ay love din ang pinili, “Kung magkaka-girlfriend ako mamahalin ko, pero ‘yung sex hindi muna. Darating din ‘yung panahong magagawa rin namin ‘yung sex. Kasi ‘yung sex para sa akin ay love at hindi basta-basta ginagawa for me ha. 

“Hindi basta ginagawa, so para sa akin napaka-importante ng sex, hindi basta-basta,” paniniwala ng baguhang aktor.

“Of course pipiliin ko ‘yung love without sex talaga. Kasi pag nagmahal ka, sobrang hirap i-explain pag nagmahal ka. Sabi nga nila love is crazy, so, hindi ko tatanggapin ‘yung sex without love ise-sex mo nga siya wala namang feelings?  kaya pipiliin ko na lang ‘yung mahal ko na walang sex,” esplika ni Jela.

Pareho namang gusto ni Luis ang sex kahit walang love at love na walang sex, “Hirap naman ng kuwestiyon na ‘yan. Bakit pa kami pinapipili, e, parehas namang maganda ‘yan? I don’t know, I think I’d rather have both talaga.

“Parang it’s hard not to have both.  I mean If I was single, sex without love is okay. I don’t think there’s anything wrong with it.

“Maybe it’s in contrast sa perspective ng aking mga kasama pero for me I don’t think there’s anything wrong kung magkakaroon ng sex without love kasi not everyone desires love din naman.

“Some people have physical needs but can’t or won’t are not willing to or handle mga emotional or romantic connections to others, di ba?

“Meron din namang love lang okay lang sa kanila without sex, but for me, I can’t choose.  But I’d rather have hopefully in ideal world talaga sex with love talaga.  ‘Yun naman ang true happiness talaga, di ba?  So, if you can have both, why not?” sabi pa ng aktor.

Kaya abangan at alamin ang kuwento ng pelikulang “Palitan” ni direk Brillante Mendoza kung may pagmamahal o wala habang ginagawa nina Luis, Jela, Rash at Cara ang pakikipagtalik sa Vivamax, simula sa Dec.10.

https://bandera.inquirer.net/298331/luis-hontiveros-hindi-ipinaalam-sa-pamilya-ang-paghuhubad-sa-palitan-ni-brillante-mendoza

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending