LJ Reyes 'natunaw' sa handwritten notes mula kay Aki Bandera

LJ Reyes ‘natunaw’ sa handwritten notes mula kay Aki

Therese Arceo |November 27,2021
share this

LJ Reyes ‘natunaw’ sa handwritten notes mula kay Aki

Therese Arceo November 27, 2021 - 02:50 PM

LJ Reyes 'natunaw' sa handwritten letters mula kay Aki

HINDI mapigilan ng aktres na si LJ Reyes ang labis na tuwang nadarama sa tuwing nakakatanggap ito ng mga sulat galing sa anak na si Aki.

Si Aki ay ang kanyang panganay na anak sa aktor na si Paulo Avelino.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang ilan sa mga sulat ni Aki para sa kanya.

“I love you mom up to the moon and star and sun,” unang sulat ni Aki.

“Dear Mommy, I love you forever and I wish that you will love me forever and I wish that you buy me a toy,” saad ni Aki sa pangalawang sulat.

Hindi naman napigil ni LJ ang labis na tuwa at killig sa ginawa ng anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

“Handwritten notes from Aki are the best!Ewan ko pero lagi talaga akong tunaw na tunaw when I get these handwritten notes from my son. Proof ba na batang ’90s ako?” pabirong sabi ni LJ.

Ngunit giit rin niya, ang mga pagbibigay ng ganitong klaseng bagay ay ang pinakamagandang paraan para iparamdam kung gaano ka-special ang mga taong minamahal.

“But honestly, I think expressing your feelings and showing your appreciation through this small gesture are always the best way to show and make people feel special!”

Sa ngayon ay nasa New York sina LJ at Aki kasama ang isa pang anak ng aktres na si Summer kung saan nag-celebrate sila ng Thanksgiving kasama ang pamilya ni LJ.

Matatandaang lumipad ang tatlo papuntang New York matapos ang kontrobersyal na paghihiwalay nina LJ at Paolo Contis.

Mukhang matagal ring mamamalagi ang tatlo sa ibang bansa lalo na’t doon na nag-aaral si Aki na inamin ni Paulo Avelino nang tanungin siya tungkol sa anak noong virtual mediacon ng season 2 ng kanyang teleseryeng “Marry Me, Marry You” kasama sina Janine Gutierrez at Jake Ejercito.

Related Chika:
LJ wala nang balak balikan si Paolo: Ayoko na pong makausap siya kasi natatakot ako…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending