Jeffrey Hidalgo 'nagpaka-wild' na rin bilang direktor; Angeli Khang tumodo na sa paghuhubad Bandera

Jeffrey Hidalgo ‘nagpaka-wild’ na rin bilang direktor; Angeli Khang tumodo na sa paghuhubad

Reggee Bonoan |November 25,2021
share this

Jeffrey Hidalgo ‘nagpaka-wild’ na rin bilang direktor; Angeli Khang tumodo na sa paghuhubad

Reggee Bonoan November 25, 2021 - 12:38 PM

Jeffrey Hidalgo at Angeli Khang

MASASABING isa na si Angeli Khang sa mga money maker ng Viva Films among the newbies dahil ang first lead role niyang “Mahjong Nights” ang number one ngayon sa Vivamax na idinirek ni Lawrence Fajardo.

Kaya naman may follow-up movie agad siya, ang “Eva” na idinirek naman ng singer-actor turned director na si Jeffrey Hidalgo na mapapanood sa Dec. 24 sa Vivamax.

Sa tanong kay Angeli kung ano ang bagong makikita sa karakter niya sa “Eva” na wala sa “Mahjong Nights”.

“Iba po ang makikita ninyo sa Eva na iba rin ang nakita ninyo sa Majhong Nights at Taya (support role). Makikita na in-all out ni Eva ang kakayahan niya sa sexual life hindi lang sa babae at hindi lang sa lalaki na lahat ng maiisip n’yo,” nakangiting sagot ng dalaga.

Nakakaintriga kung ano ‘yung sinabing “lahat ng maiisip mo?” Ganito na ka-wild na si direk Jeffrey na nakilala namin bilang wholesome direktor at maging sa totoong buhay ay hindi namin siya nakikitaan ng kapilyuhan. Napakapormal kasing kausap ng singer at aktor.

Sabi nga ni Angeli, “Ka-vibes ko si direk, ka-TikTok ko, sobrang saya na maka-work lahat kasi comfortable kaming lahat at sa dulo ng movie nakaka-sad kasi last day.  Hoping more movies with them and so honored to be with them.”


Naaliw naman kami kasi first time naming marinig sa isang artista na, “ka-Tiktok ko si direk” na ibig sabihin ay ganu’n kagusto ng mga artista niya si direk Jeffrey?

Kaya pala nasabi ng direktor na, “Napakadali nilang katrabaho and they’re very willing to learn and they really listen to me. Kaya nag-enjoy talaga kami sa aming shoot, sana nag-enjoy din sila.”

Baka kaya gusto ng cast ng “Eva” ang direktor nila ay dahil, “I just had to explain to them kung ano ‘yung visuals and stuff and siyempre pagdating do’n sa character ini-explain ko rin sa kanila unti-unti para mas makita nila ‘yung lalim ng script na ginawa ni direk Dennis Marasigan.

“Since medyo risky ‘yung ating pelikula, natuwa ako dahil they really trusted me and I hope that they felt that I was really taking care of them while we were shooting the whole film especially all those medyo sensitive scenes,” aniya pa.

Sa madaling salita walang naramdaman sina Sab Aggabao, Marco Gomez, Ivan Padilla, Angelica Cervantes, Quinn Carillo at Angeli na na-violate sila ng direktor.

Ikatlong sexy movie na ito ni Angeli, ang “Taya”, “Majhong Nights” at “Eva” kaya natanong siya kung may kaba pa rin siya mga eksenang ginawa niya.

“Until now may kaba pa rin kahit ready ako sa set, ready ako sa scenes nandoon pa rin ‘yung kaba na, ‘kaya ko ba?  Kaya ko bang ipakita ‘yung gusto ng direktor at producers?

“But in the end pagkatapos ko gawin ‘yung scenes, pagka-cut ng direktor, ‘good job Angeli.’

“Every sexy scene is a challenge kasi working a lot of people is also challenging dahil I’m a new artist and mahiya ako sa mga ipinapakita ko and my flaws.  But working with them, they made me feel very comfortable.

“Close na kami, day one palang lalo na si Sab, para kaming naging one big family, one big group kaya pagdating sa bed scenes sobrang saya. Nagtatawanan pa kami after ng shoot and after that, naga-alaga kami sa isa’t isa, nagbibigayan ng towels, nagbibigayan ng mga saplot.

“And while doing the scene bago pa mag-take si direk nagkukuwentuhan kami kahit naka-all out na kami sa scene. I hope sa viewers you appreciate what we did sa December 24 (showing) and promise ko sa inyo, kung all out ang Taya, all out ang Mahjong Nights, mas all out pa ang Eva,” mahabang kuwento ng dalaga.

Ano ang memorable experiences ni Angeli sa paggawa ng movie, “Ito (Eva) ang sobrang memorable sa akin at talagang tatak sa akin at na-all out ko ‘yung totoong ugali ko na gusto kong makisaya sa lahat, gusto kong makipag-interact sa lahat kung may mga hinaing ka o gustong sabihin, ina-understand nila.  Hindi namin na-feel na work kasi enjoy kaming lahat.”

Mapapanood na ang “Eva” sa Vivamax simula sa Dec. 24.

Angeli Khang may hamon kay Xian Gaza: Hindi ako marites pero…

Angeli Khang tumodo sa mga sex scene sa ‘Mahjong Nights’: Naliligo pa lang, hubo’t hubad na ‘ko!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending