LJ Moreno ninakawan nang maglipat-bahay sa US: Nag-pray na lang ako nang bonggang-bongga! Bandera

LJ Moreno ninakawan nang maglipat-bahay sa US: Nag-pray na lang ako nang bonggang-bongga!

Ervin Santiago |November 25,2021
share this

LJ Moreno ninakawan nang maglipat-bahay sa US: Nag-pray na lang ako nang bonggang-bongga!

Ervin Santiago November 25, 2021 - 06:45 AM

LJ Moreno at Jimmy Alapag

NANAKAWAN ang hindi na aktibong aktres na si LJ Moreno sa mismong araw ng kanilang paglipat sa bago nilang bahay sa California, U.S.A.

Sa mga hindi pa aware, sa Amerika na ngayon naka-base si LJ kasama ang kanyang mister, ang dating basketball player na si Jimmy Alapag, at ang tatlo nilang anak.

Nagdesisyon silang sa Amerika na manirahan noong September, 2020 dahil na rin sa naging epekto ng COVID-19 pandemic sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas.

Sa bagong YouTube vlog nina LJ at Rufa Mae Quinto (na nasa US pa rin hanggang ngayon kasama ang asawa at anak) na “The Wander Mamas” naikuwento ng una ang insidente ng pagnanakaw sa iniwan nilang bahay.

Feeling ng aktres, may kinalaman ang apat na house movers na inupahan nila para sa kanilang paglilipat sa pagkawala ng dalawa niyang singsing — ang kanyang engagement ring at wedding ring.

Sa pagkakaalala niya, sa drawer nila sa dating tinitirhang bahay niya itinago ang mga nasabing singsing noong mismong araw ng kanilang paglipat sa nabili nilang bagong bahay.

Malungkot na pahayag ni LJ, “It’s really sad, kasi from the Philippines, di ba, ang dami din naming valuables and ang daming movers din. Pero in the Philippines, wala naman nawala or anything.”

Aniya pa, “Pero dito kasi, there were, like, four movers. In the beginning, I wanted to give them the benefit of the doubt.

“Kaya lang kasi, ang nangyari, kasi magsa-shower ako nu’n, e, parang nagdi-disassemble sila ng furniture, and then my sister came up,” dagdag pang kuwento ng aktres.

Sinabihan pa raw siya ng kapatid na dumating na ang truck na  magdadala ng mga natitira nilang gamit sa bago nilang bahay habang naliligo siya.

Pag-alala ni LJ, “Nasa baba pa sila, nasa mga rooms pa, nagdi-disassemble. And then yung rings ko, I left it in the drawer with my watch.”


Siniguro pa nga raw niya na nakasara ang drawer bago siya maligo, “Pag-akyat ko, wala na yung bench under that (drawer), kasi, apparently, pumasok yung movers, kinuha…hindi ko naman din naisip na papasok sila.

“Sila lang yung nasa taas na, e, sila lang yung naglilipat,” aniya pa. At pagbukas nga niya ng drawer wala na ang dalawa niyang singsing.

“Nag-pray na lang ako nang bonggang-bongga. Buti nga yung Rolex, hindi kinuha, e. Yung face ng Rolex, nakadikit sa drawer. Ang nasa gitna is yung dalawang singsing,” chika pa niya.

Dito na siya tinanong ni Rufa Mae kung balak ba niyang kasuhan ang mga inupahang movers, ani LJ, “Well, pinag-pray ko na lang sila. Bahala na.

“Kasi I complained, I filed the complaint. Kaya lang, even on that day, I was calling the office kung ano yung procedure, ganyan-ganyan, walang sumasagot,” pahayag ng aktres patungkol sa kumpanyang konektado ang mga movers.

Nang may nakausap na raw siya finally sa nasabing company sinabihan siyang mag-file na lang ng kanyang claim tungkol sa naganap na nakawan.

Sabi pa ni LJ kay Rufa Mae, talagang nag-background check pa siya tungkol sa mga movers bago kunin ang mga ito.

“Nu’ng tsinek ko talaga, okay naman yung reviews, although meron palang ilan na bad reviews. After ng nakawan ko na na-check. Kasi parang 4.5 stars naman sila. So, sabi ko, ‘Okay na,’” paliwanag pa niya.

Ngunit nang i-check niya uli ang page ng movers sa internet, doon na niya nabasa na may mga nabiktima na rin pala ang mga ito base na rin sa mga reviews.

Sa kabila naman ng nangyari, happy na rin si LJ dahil may sarili na nga silang bahay sa Amerika, “It’s just right for us, for the kids. Kasi kailangan ng space ng mga kids, di ba? 

“So, there’s a big backyard and then four bedrooms. For kids, it’s a good area. Maganda yung neighborhood, very quiet,” sey pa niya.

Samantala, masaya namang ibinalita ni LJ na napiling assistant coach ang asawang si Jimmy sa G League (official minor league ng NBA) ng Sacramento Kings basketball team, ang Stockton Kings.

Si Jimmy ang magiging assistant coach ng head coach ng nasabing team na si Bobby Jackson, na isang professional basketball coach at dating NBA player.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending