Bea kinarir ang pagde-decorate para sa Pasko: I’d like to have a romantic Christmas Bandera

Bea kinarir ang pagde-decorate para sa Pasko: I’d like to have a romantic Christmas

Alex Brosas |November 25,2021
share this

Bea kinarir ang pagde-decorate para sa Pasko: I’d like to have a romantic Christmas

Alex Brosas November 25, 2021 - 07:02 AM

Bea Alonzo at Gideon Hermosa

NAPABILIB ni Bea Alonzo ang mga fans sa kanyang latest vlog kung saan ipinakita niya ang paggawa ng hindi isa kundi tatlong Christmas tree.

Maganda ang theme ng Christmas trees ni Bea as it was all about romance na perfect para sa kanya dahil alam naman ng lahat kung gaano ka-happy ang kanyang buhay pag-ibig with his boyfriend Dominic Roque.

“So this year’s theme is about romance. Kasi I’ve had such a romantic year and I want to carry it over to Christmas. 

“So I’d like to have a romantic Christmas. So, therefore, I have these colors for my tree. I have lavender, also blue, purple, pink and also orange,” say ni Bea.

Kasama ang kanyang stylist friend na si Gideon Hermosa, kasama sa mga naging decorations ni Bea ang dried flowers and dried oranges. Marami nga ang naloka sa kanyang decorations.
Ang daming natuwa kay Bea at sa kanyang eleganteng Christmas trees.


“Amazing decors from amazing Bea. You really inspired people from all walks of life. Stay beautiful in and out.”

“Wonderful beautiful how you create for Christmas decorations… you did a great job…you’re such a talented woman.”

“Stunning christmas theme! My favorite Celeb xmas tree so far!”

“I love how you do your christmas tree’s Queen B. Sobrang ganda katulad ng mas lalo ka pang gumanda araw araw Queen B. Kahanga hanga naman how Dom taking care and love you.”

“Im so amazed! Honestly first time seeing dried oranges as christmas decorations! Thanks Queen B! Your vlogs are really informative and interesting! Keep safe always! God bless u more!”

* * *

Nagsampa na ng kasong rape si Rica (Charlie Dizon) laban kay Jigs (Markus Paterson) upang makamit ang hustisya sa sinapit niya at pabulaanan ang pagsisinungaling nito sa mga tao sa tunay na nangyari sa viral video sa hit seryeng “Viral Scandal.” 

Nang malabas ni Rica ang saloobin sa kanyang inang si Kakay (Dimples Romana) at makita kung gaanong naapektuhan ang kanyang pamilya, nagdesisyon na ang dalaga na sumunod sa ina upang maghain ng kaso laban sa konsehal.  

Inalala nga niya ang nangyari noong gabing iyon at nagpa-medical exam na rin para alamin ang kanyang kalagayan. 

Ngunit hindi nila alam na may nakasunod sa kanilang tauhan ni Bobby (Gian Magdangal) at sinabi na sa amo ang balita.  

Agad ngang kinumpronta ni Bobby ang anak na si Jigs at pinaamin. Sinabi ni Jigs na nadala siya  nang makitang walang malay si Rica at ni-record niya ang panghahalay sa babae. Ibinunyag din niya na sinend niya  ito sa kanyang mga kaibigan at suspetya niya na si Archie (Vance Larena) ang nagkalat nito.  

Sa kabilang banda, hindi naman mawala sa isip ni Kyle (Joshua Garcia) ang pagsagip niya kay Rica nang magtangka itong magpakamatay.  

Ano kaya ang susunod na hakbang nina Rica at Kakay? Paano naman kaya matutulungan ni Troy (Jake Cuenca) ang anak nang hindi nadadawit ang kanyang pangalan at reputasyon? Mahanap kaya ni Kyle si Rica?  

Samantala, umaapaw pa rin ang papuri ng netizens tungkol sa show sa social media. Nag-trending nga ang hashtag ng episode na #ViralScandalConfessions pati na ang taglines na Pogs on Viral, Viral BeaPogs the Beginning, at si Aljon Mendoza sa Twitter Philippines. Umabot naman ng lampas 1 milyon views sa Tiktok ng RCD Narratives ang eksena nang pagtatanggol ni Bea (Karina Bautista) sa kanyang ina at kapatid.  

Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

‘White Christmas’ theme ni Kim sa bahay hit na hit sa netizens: Never lose hope

Jose Mari Chan ‘lumantad’ na sa pagsisimula ng Christmas season; may hiling kay Mariah Carey

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending