Globe pinaigting ang laban kontra spam text messages

Globe pinaigting ang laban kontra spam text messages

- November 23, 2021 - 02:56 PM

Pinagtibay pa ng Globe ang laban nito kontra spam messages sa mas pinalakas na cybersecurity team nito.  Kasama ito sa internal Cybersecurity at Data Privacy group na siyang sumasagot at tumutugon sa mga reklamo kaugnay sa mga spam messages.

Ang spam ay maaaring mga text messages na natatanggap ng mga subscriber sa kanilang mobile phone kahit walang pahintulot ng customer. Kadalasan mga paanyaya na lumahok sa promo, mag-download ng application, o impormasyon ukol sa isang produkto o serbisyo.

Nasa 5,670 na mga numero ang na-deactivate na ng Globe at halos 71 milyon na spam messages ang na-block na nito ngayong taon.

“We take unsolicited and fraudulent messages seriously.  Makakaasa ang aming mga customers na prioridad namin ang kanilang cyber safety at security, ” sabi ni Anton Bonifacio, Globe Chief Information Security Officer.  Namuhunan na ang kumpanya ng karagadagang $7.25 million in CAPEX mula ng magsimula ang pandemya, para sa pagpapalakas ng anti-spam capabilities ng Globe.

Nakipag-sanib pwersa na rin ang Globe sa mga malalaking universal at commercial banks, maging sa mga tulad ng Lazada at Shopee, para matugunan ang problema sa spam at maging mga scams at ibang phishing activities.

Ang mga partner companies na ito ang nag-re-report ng mga pekeng numero, spoofed o pekeng sender names at websites, na siyang agarang hinaharang ng Globe sa kaniyang network.

Globe pinaigting ang laban kontra spam text messages

Source: https://www.facebook.com/GlobeIcon/videos/2979135355631554/

 

Globe pinaigting ang laban kontra spam text messages

Source: https://www.facebook.com/GlobeIcon/videos/2979135355631554/

Binigyang diin din ng Globe na habang ginagawa nito ang lahat, mayroon ding magagawa ang mga customer nito para ma-kontrol ang pagtanggap ng spam messages. Pwedeng gamitin ng mga customer ang “Messages” app sa Google bilang default Android SMS messenger dahil ang app na ito ay may nakapaloob ng spam filters.

“Dahil sa pandemya, maraming negosyo ang desperadong ilabas sa merkado ang kanilang produkto o serbisyo. Isa ito sa mga dahilan kung bakit sumipa ang unsolicited marketing campaigns mula sa mga digital marketers o spammers — na siyang ginagamit ang mga number databases mula sa pampublikong impormasyon o online data,” dagdag ni Bonifacio.

Aminado ang Globe sa abala na dala ng mga spam text messages, kaya’t patuloy itong nagsusumikap para maging spam-free ang customer experience.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Suportado ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals, particularly ang UN SDG No. 9, na siyang nagbibigay diin sa importanteng papel ng infrastructure at innovation para sa ikauunlad ng ekonomiya. Nakatuon ang Globe para itaguyod ang UN Global Compact principles at 10 UN SDGs.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Globe at laban nito kontra spam at scam, pumunta sa www.globe.com.ph at https://www.facebook.com/GlobeIcon/videos/2979135355631554/

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending