Darryl Yap sa titulong 'Pornstar 2: Pangalawang Putok': Ito yung sampal sa mukha ng mga sobrang konserbatibo Bandera

Darryl Yap sa titulong ‘Pornstar 2: Pangalawang Putok’: Ito yung sampal sa mukha ng mga sobrang konserbatibo

Ervin Santiago |November 23,2021
share this

Darryl Yap sa titulong ‘Pornstar 2: Pangalawang Putok’: Ito yung sampal sa mukha ng mga sobrang konserbatibo

Ervin Santiago - November 23, 2021 - 09:26 AM

Darryl Yap, Maui Taylor, Ara Mina, Rosanna Roces at Alma Moreno

“MAGPAKITA lang ng wet look sasabihin nila pornstar na. So this is actually a testament!”

Ito ang bahagi ng paliwanag ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap kung bakit “pornstar” ang ginamit niya sa titulo ng isa niyang sexy-comedy film under Viva Films.

Sa nakaraang digital presscon ng  “Pornstar 2: Pangalawang Putok”, ang sequel ng “Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar”, nagpaliwanag nga si Direk Darryl sa paggamit niya ng “pornstar” sa title ng movie na pinagbibidahan ng mga dating sexy stars na sina Ara Mina, Alma Moreno, Maui Taylor at Rosanna Roces.

Sabi ng direktor, “The reason why I use ‘pornstar’ is because it mirrors how society see the actors which is they’re just doing sexy. It’s actually a judgment for the  people.

“Ito yung parang sampal sa mukha ng mga masyadong konserbatibong tao, na kapag nakitang nakikipaghalikan, may pa-bathing suit lang sa pelikula, magsuot lang ng pangsayaw na tangga sasabihin na nila malandi, pokpok na agad, pornstar, ganyan,” aniya pa.

“The Filipino people kasi, why are we very ostentatious with words now? Bakit masyado tayong conscious sa salita? Magpakita lang ng wet look sasabihin nila pornstar na. So this is actually a testament.

“Pero dahil ginamit ko nga itong ‘pornstar’ nasa kabilang side naman sila (mga basher). ‘Bakit mo gagamitin yung ‘pornstar’ eh hindi naman sila pornstar, sexy star lang sila? Ngayon, hindi na natin kailangang ipaliwanag sa kanila. So ganu’n lang yon, it’s just a matter of conditioning,” katwiran pa ni Darryl.

Patuloy pa niya, “One thing more, when the international audience see it, like yung ‘When I Grow-up I Wanna Be A Pornstar,’ they already know that it’s a Filipino content. At dahil meron na ring 70 plus territories na available ang Vivamax nanghihingi na sila ng English subtitle.

“Itong Pornstar 2 mas international ready kami, mas binigyan namin ng pansin yung mga terms. ‘Pornstar 2: The Second Cumming’ ang kanyang international title samantalang sa atin naman ay ‘Pangalawang Putok,’” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rosanna Roces (@therealrosannaroces)


Samantala, siniguro rin ng direktor na mas riot at mas nakakaloka ang mga eksena at rebelasyon sa pagbabalik nina Ara, Maui, Osang at Alma sa “Pornstar 2.”

“Sa Pornstar 1, nagbanggit sila ng mga true-to-life experience nila bilang mga sexy star. Dito naman, napag-usapan nila yung mga best leading man, best kiss, mga muntik nang magkatotohanang sex scenes na gustong idiretso, mga ganyan na usapan,” ani Direk.

Hirit pa ni Osang, “Actually tinanong niya (Darryl) kami bago niya gawin yung script, ‘Ano yung nakaraan n’yo na ibinato sa inyo pero hindi nakaapekto sa career n’yo?’

“Sinabi naman namin sa kanya yon isa-isa kaya more or less totoong-totoo lahat ng nandito. Mas maraming puso ito kesa sa Pornstar 1. Mas mahi-hit yung mga puso ninyo dito,” aniya pa.

Kasama rin sa movie ang mga baguhang sexy star ng Viva na sina Sab Aggabao, Cara Gonzales, Ayana Misolal at Stephanie Raz na gumaganap bilang sina Gabriela, Melchora, Trinidad at Josefa na mini-mentor nina Ara, Maui, Alma at Osang para maging “pornstar.”

Pwede nang mapanood sa Vivamax ang “Pornstar 2” simula sa Dec. 3.

Osang kinontra ang bashers ni Direk Darryl Yap: Hindi siya bastos, mabait na anak at loyal na kaibigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending