McCoy naka-relate sa life story ni Yorme: Titirahin ka ng masasakit na salita, durog na durog ka…
SINADYA kaya ni Direk Joven Tan na isama si McCoy de Leon sa musical film na “Yorme: The Isko Domagoso Story” dahil pareho silang laking Tondo ni Manila Mayor Isko Moreno?
Bumagay naman kay McCoy ang karakter niya bilang teenager na Isko dahil pinasok din niya ang lahat ng klase ng trabaho – magtutubig, magbobote, sidecar boy at iba pa sa buong Divisoria at Tondo kung saan din siya nakatira kaya kilala siya ng mga tagaroon at nakatulong rin ang mga kabatak nito sa pelikula.
Sabi nga ng aktor, “Sobra akong naka-relate kasi unang-una taga-Tondo rin ako. Tsaka ‘yung time ko kasi na ginampanan pa-artista siya, eh, kaya naka-relate din ako don sa feeling na sana mapansin din ako. Na sana makuha ako sa audition.
“Actually, may eksena ako rito na parang nag-o-audition na sobrang genuine siya kasi hindi siya karaniwang audition. Audition siya ng isang taga-Tondo,” aniya.
Ano nga ba ang naging take away niya sa pelikula? “Kasi sa amin bilang artista ang daming batikos, ang daming pangit na salitang maririnig ka. Pero nu’ng ginampanan ko ‘yung story niya, alam mo ‘yung nandiyan ka na sa baba pero titirahin ka pa ng masasakit na salita, durog na durog ka don.
“Pero siya, kung paano niya hina-handle,
‘Okey lang ‘yan, huwag mong pansinin ‘yan.’ Ganun siya, hindi niya lalabanan.
“Kaya na-realize ko na kung ‘yung iba nakakatanggap ng masasakit na salita online mas worst pa ‘yung talagang nando’n sa labas na naririnig ‘yung boses talaga ng mga tao. Kaya yon ‘yung take away ko na isang malaking realization din,” sabi ng binata.
At dahil musical film ito ay kinailangang kumanta rin ni McCoy na alam naman ng lahat na hindi ito ang forte niya dahil mas nakilala siya bilang mahusay na mananayaw at miyembro ng Hashtags.
View this post on Instagram
Kaya malaking challenge ang pagkanta at paano niya ito pinaghandaan, “May isang kanta ako sa Yorme na sobrang happy, sobrang uplifting ‘yung feeling ito yung Artista Na Ako. Same rin kasi ‘yung naramdaman ko nu’ng pini-perform ko ‘yung kanta do’n sa na-feel ko rati nu’ng nagsimula na akong mag-artista.
“Pagdating naman sa paghahanda, bago ako matulog pinapakinggan ko talaga ‘yung kanta. Paulit-ulit sa phone ko, sa computer, sa kotse. Kasi alam ko sa sarili ko na kailangan kong gawin ‘yon kasi pag nagpa-relax-relax lang ako alam naman natin na hindi ko mabibigyan ng hustisya ‘yung role ko. Kaya dugo’t pawis din talaga.
“Pero pag nando’n na… iba talaga pag nando’n na, eh. Si Direk talaga ‘yung naging instrument ko para magawa ko ‘yon ng maayos. Meron ding mga kanta na sumasayaw ako,” kuwento ng aktor
At mukhang nagustuhan ni McCoy ang musical, ah, kasi sana raw ay may kasunod ulit na ganito rin ang genre.
Anyway, gaganap naman bilang batang Isko sa “Yorme” si Raikko Mateo. Si Xian Lim naman ang present day Isko. Kasama rin sa pelikula ang ibang “That’s Entertainment” members tulad nina Janno Gibbs (as Kuya Germs), Jestoni Alarcon (Daddy Wowie, manager ni Isko), Tina Paner at Monching Gutierrez (Isko’s parents) at marami pang iba.
“Yorme” is produced by Saranggola Media Productions, directed by Joven Tan and distributed by Viva Films. Showing na ang “Yorme” sa Dis. 1.
Related Chika:
McCoy, Elisse nagbalikan bago magkapandemya; may 4 ‘magic word’ para sa LDR
Part 2 ng love story nina McCoy at Elisse nagsimula nang dahil sa jacket, nadaan sa ‘signs’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.