Hiwalayang Alodia-Wil nabasa ni Ashley Gosiengfiao sa tarot cards
NOON pa man ay alam na raw ni Ashley Gosiengfiao na maghihiwalay ang kanyang kapatid na si Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich.
Ito raw ay nabasa na niya noon sa kanyang tarot cards.
Sa Twitter nga ay may isang account na barubal na tinanong si Ashley kung nabasa na rin ba niya ang paghihiwalay nina Alodia at Wil.
“Hoy bida bidang manghuhula kuno nahulaan mo na din ba na magbebreak kapatid mo sa jowa nya? Di ba sinabi sayo ng cards mo?
“Or like your madumb lugaw eh fake at paepal ka lang na tarot card reader kuno?” Tanong ng atribidang netizen.
Matapang na sagot ni Ashley, “As a matter of fact, I did. But was it necessary and my place to tell the world about a matter as private as that? No.”
As a matter of fact, I did. But was it necessary and my place to tell the world about a matter as private as that? No. 😊 https://t.co/ZDgnsxguke
— Ashley Gosiengfiao (@ashlili) November 16, 2021
Pinost naman ito ng gamer at content creator sa kanyang Facebook page.
“Bakit parang kasalanan ko?” dagdag pa ni Ashley.
Mukhang aware rin naman ang vlogger na si Wil Dasovich sa tarot card reading ni Ashley patungkol sa kanilang relasyon ng kapatid nito.
“Juskupo yung tarot cards na yan… I hate to admit it but it’s true on this one, Ashley knew way before ans I remember nung time na yan looking at your mischievous face Ashley na alam na alam kung anong nangyari without ever saying.
“Shucks… sana charot cards na lang, katakot na ‘yung nagiging totoo lagi ang mga tarot cards,” sey ni Wil.
Matatandaang nitong Nobyembre 15 lamang nang aminin ni Alodia sa kanyang Facebook page na wala na sila ng dyowa niyang si Wil Dasovich.
Sinasabing “incompatibility” ang sanhi kung bakit naghiwalay ang dalawa.
Related Chika:
Alodia Gosiengfiao, Wil Dasovich naghiwalay na: Wala na kame!
Wil may ‘moving forward’ post matapos ang breakup kay Alodia
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.