Boobs ni Kiray pinagpiyestahan sa socmed: Flat man sa inyong paningin, at least habulin... | Bandera

Boobs ni Kiray pinagpiyestahan sa socmed: Flat man sa inyong paningin, at least habulin…

Alex Brosas |November 17,2021
facebook
share this

Boobs ni Kiray pinagpiyestahan sa socmed: Flat man sa inyong paningin, at least habulin…

Alex Brosas - November 17, 2021 - 06:05 AM

Kiray Celis

NAGPATUTSADA si Kiray Celis sa isang parody account.

Nag-post si Kiray ng ilang photos sa kanyang Instagram account kung saan slightly ay na-sight ang kanyang kakarampot na boobs na tila gusto niyang ibuyangyang sa kanyang sexy na top. 

“Flat man sa inyong paningin, at least habulin.. hindi kagaya ng iba diyan, hindi matanggap sa sarili nilang flat na sila, mukha pa silang gusgusin. Di ko sinasabing ikaw to @senyora.official,” say niya sa caption.

Mukhang matindi ang galit ni Kiray kay @senyora.official dahil pinatutsadahan siya nito recently na siya rin ang bumili ng regalo na ibinigay sa kanya ng kanyang dyowang si Estephan Estopia.  Mukhang hindi pa nakaka-move on si Kiray sa pang-ookray sa kanya. 

Napansin namin, parang hindi nagkakape itong si Kiray. Madalas kasi ay medyo sexy ang kanyang photos sa kanyang IG account.  Talagang ipinagbibilaran niya ang kanyang butt sa ilang photos. Masyadong feeling sexy kaya halos pagtawanan siya ng mga bashers niya.  

Anyway, parang nagsabong naman ang netizens sa comment section ng IG ni Kiray. May kampi sa dalaga pero meron ding nasa side ng parody account. 

“@senyora.official nagpaparinig si Kiray ano masasabi mo??”

“@senyora.official hindi naman daw ikaw sinasabihan nya. Hahaha.”

“@senyora.official mabuti pa si Kiray may umumbok ng konti eh ikaw nyora? Patag?”

“Malungkot ako @kiraycelis nanggigigil ako sa mga ootd mo LALONG LALO NA SA PWET MO SANA ALL!!!!!!”

“Di mo kaya @senyora.official kaya matulog ka na lng dyan.”

“Hindi nman flat bilog na bilog lahat parang ung saging na maliliit señorita ba yon? Hmmm voluptuous ka cute.”

“Ahahahahaha In short puro likod hehehehehehe huwag ka na daw haharap hehehehehe.”
“@senyora.official mas sexy ka pa din.”

“Mention mo nga ung mga humahabol sau, baka asong naulol lng humahabol sau eh.”

View this post on Instagram

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


* * *

Ngayon pa lang ay pinananabikan na ang mga mangyayari sa buhay ng karakter ni Charlie Dizon na si Rica sa “Viral Scandal” matapos ang pilot episode nito last Monday (Nob. 15).

Napanood ng viewers kagabi ang simpleng buhay ng pamilya Sicat kung saan nagtra-trabaho bilang OFW si Kakay (Dimples Romana) habang ang kanyang panganay na si Rica ay pinupunan ang kanyang papel bilang ina at mabuting kapatid kina Bea (Karina Bautista) at Nico (Louise Abuel).

Natungyahan din ang matapang at realistic attitude ni Rica sa mga bagay-bagay tulad ng pre-marital sex at women empowerment na umani ng magagandang papuri sa netizens. 

Natapos ang episode sa paggising ng dalaga at pagkakita nito sa pulang mansta sa kobre-kama matapos sumamang makipag-inuman sa kanyang mga katrabaho.

Sa mga susunod na episodes, dapat abangan ng viewers kung ano ang kahihinatnan ni Rica sa pagkalat ng kanyang video scandal. Panoorin kung ano ang gagawin niya at ng kanyang pamilya sa pang-aalipustang maririnig nila sa mga tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 p.m. sa Kapamilya Channel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending