ANNE ayaw kay SAM CONCEPCION para kay JASMINE?
Hindi naman nag-deny sa amin si Sam Concepcion nang sandali namin itong makahuntahan noong maging guest artist siya sa 45th Charter Foundation ng Iriga City sa Bicol.
Simpleng “Oo nga po, masaya naman kami,” ang naisagot nito sa pangungumusta namin sa lagay nila ng Kapatid artist na si Jasmine Curtis, bilang magkatipan.
Basta na lang daw silang nag-click as friends and before they knew it, type na nga nilang gawing “exclusive” ang kanilang pagiging very good friends to something deeper and serious.
“Inspiration po. Masarap sa trabaho yung may ganu’n at nakakataba ng puso yung may isang taong espesyal sa ‘yo at espesyal ka rin sa kanya,” dagdag pa ni Sam.
Hindi lang namin alam kung boto si Anne Curtis kay Sam para sa kanyang sister. Pero sa huling interview kay Anne, sinabi nitong bata pa ang kapatid niya at huwag munang magseryoso sa pag-ibig.
Though first time yun for Sam sa naturang bonggang siyudad na ngayo’y pinamumunuan ng mahusay at batang-bata pang si Mayor Ronald Felix “Gang-Gang” Alfelor, inamin ni Sam na paborito na niyang puntahan ang Bicol, “Marami po talagang magaganda dito bukod pa sa mababait ang mga tao,” sey pa ng bagets na tinilian at pinalakpakan ng audience sa husay nitong kumanta’t sumayaw.
Bukod kay Sam, pinasaya din nina Angelika dela Cruz, Noel Cabangon (na bonggang nag-compose ng anthem ng Iriga City) at ang dance icon na si Douglas Nierras (gaya ni Noel ay adopted son na rin ng lugar) ang buong lunsod.
Sinamahan si Angelika ng asawa niyang si Orion na very good friend pala at kaklase sa high school (Claret School) ni Mayor Gang-Gang.
Gaya nila, super enjoy din kami sa kakaibang sweetness nga mga Iriganos kahit pa sabihing madalas din kaming mapadaan sa naturang lugar na ipinagmamalaki ding birthplace at lugar nina DOJ Sec. Leila de Lima at kapamilyang news correspondent Dominic Almelor.
( Photo crdit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.