Paulo, Jake ibinuking ni Janine: Pareho silang bully, lumabas ang tunay nilang pagkatao! Char! | Bandera

Paulo, Jake ibinuking ni Janine: Pareho silang bully, lumabas ang tunay nilang pagkatao! Char!

Ervin Santiago |November 15,2021
facebook
share this

Paulo, Jake ibinuking ni Janine: Pareho silang bully, lumabas ang tunay nilang pagkatao! Char!

Ervin Santiago - November 15, 2021 - 08:28 AM

Janine Gutierrez, Paulo Avelino at Jake Ejercito

TINAWAG na “bully” ni Janine Gutierrez ang dalawang leading man niya sa seryeng “Marry Me, Marry You” na sina Paulo Avelino at Jake Ejercito.

Natatawang kuwento ng Kapamilya actress, hirap na hirap siyang labanan ang pang-aasar nina Jake at Paulo kapag nagkakasayahan siya sa lock-in taping ng kanilang romcom series.

Sa nakaraang virtual mediacon para sa second season ng “Marry Me, Marry You”, ibinahagi ni Janine na parang isang pamilya na rin ang turingan ng buong cast at production ng programa.

In fairness, talagang dream come true para sa dalaga ang makatrabaho ang lahat ng co-stars niya sa serye, lalo na ang tambalan nila ni Pau na umani ng libu-libong supporters all over the universe.

“I’m super happy talaga, sinabi ko talaga kay Pau na I’m happy na he did this show with me kasi talagang winish ko ito before pa nu’ng ginawa namin yung pelikula namin. 

“Niloloko ko siya na sana makapag-teleserye kami eventually and I’m so happy it happened. I’m just really grateful that we were able to do this together,” aniya pa.

Kasunod nito, ibinuking nga ni Janine na napakagaling din daw mang-asar ni Paulo pati na ang isa pa niyang leading man na si Jake Ejercito.

“Nu’ng ginawa namin yung pelikula hindi pa masyadong bully si Paulo. Pero dito sa show talagang lumabas yung tunay niyang pagkatao. Char! Ha-hahaha! Masaya. Super, super saya talaga to work with Pau and Jake kasi palagi nila kaming pinapakain and pagdating sa mga eksena nagtutulungan kami. 

“Sobrang laking tulong nila sa akin. Pero yun talaga yung pinakana-discover ko, talagang ang hirap talunin ni Paulo sa pang-aasar. Si Jake bully din. 

“Bully as in promise. Ewan ko ba. Ang hirap. Bully din. Pero in fairness, binusog din ako ng dalawang yan. Palagi silang may pakain at sobrang saya nila kasama!” natatawa pa ring chika ni Janine.

Hirit pa ng girlfriend ni Rayver Cruz, “Gusto ko nga sana mapikon siya pero hindi ko ma-achieve. Ha-hahaha! Pero siyempre there’s this pressure na kailangan masabayan mo siya. 

“Pero si Pau he’s really generous talaga when it comes to sharing when it comes to his talent. Feeling ko magaling na director yan si Pau eh, if ever he chooses to do that. So masaya talaga siya kaeksena,” chika pa ng aktres.

View this post on Instagram

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)


Samantala, excited na rin si Janine sa pagsapit ng 2022 dahil magkakasama pa rin sila ni Paulo sa isang series of shows sa Amerika.

“Sobrang grateful talaga ako na parang Marry Me Marry You ang naging introduction ko sa mga kapamilya natin abroad. It’s my first show sa ABS-CBN and with that sa TFC at sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng kapamilya na nanunuod at nagtu-tweet sa amin gabi-gabi and nagpapa-trend ng show. 

“I’m super excited din na magkaka-show kami sa US next year. I’m really looking forward to it and sobrang thank you lang talaga sa lahat ng kapamilya na na-e-enjoy yung palabas namin,” pagbabahagi pa ni Janine. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood pa rin ang second season ng “Marry Me, Marry You” gabi-gabi simula ngayong Nov. 15 sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, and Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel and Facebook page. 

Janine sa pagtatrabaho sa ABS-CBN: I’m so happy to be here at naramdaman ko yung alaga…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending