‘Idol PH’ champion Zephanie handa nang sumabak sa akting; pangarap makatrabaho ang Gold Squad
Zephanie Dimaranan
GAME na game nang sumabak sa larangan ng pag-arte ang grand champion sa first season ng Kapamilya reality singing search na “Idol Philippines” na si Zephanie Dimaranan.
Very soon ay mapapanood na rin ang young singer na umaakting sa teleserye at pelikula makalipas ang ilang taong pamamayagpag sa music and recording industry.
Regular na napapanood si Zephanie bilang miyembro ng ASAP New Gen Divas sa “ASAP Natin To” tuwing Linggo kasama sina Elha Nympha, Sheena Belarmino at Janine Berdine.
Nakachikahan namin ang dalaga kamakailan sa bonggang launching ng Cornerstone Entertainment para sa 16 nilang mga bagong talents na tinawag nilang Gen C, at isa na nga riyan si Zephanie na mabibigyan ng chance para mas mapabongga ang kanilang career sa acting, singing at iba pa.
Ngayon pa lang ay super excited na si Zephanie sa pagiging isang aktres, “I love watching movies, watching teleseryes. And nabibilib ako talaga sa mga actress and actor and I want to venture rin po roon kasi it will help me personally for who I am and since talagang andito na rin ako why not explore all the fields.”
“Sobrang exciting ‘yung ginagawa namin, itong workshop and it’s really fun and sobrang naka-help na siya sa akin kahit workshop pa lang,” chika pa ni Zephanie.
Pero promise naman ng dalaga sa mga fans hindi niya isasantabi ang pagkanta sakaling bumongga ang kanyang acting career.
“Hindi ko pababayaan ang singing. May chance lang na mag-focus sa acting career pero hindi ko pababayaan ang singing career.
“I won’t really forget the first thing na ginawa ko kung bakit ako nakapasok sa showbiz, which is singing,” sey ni Zephanie.
Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto raw niyang makatrabaho sa isang acting project ang The Gold Squad na kinabibilangan nina Kyle Echarri, Francine Diaz, Seth Fedelin at Andrea Brillantes.
View this post on Instagram
Samantala, super excited na rin ang mga bossing ng Cornerstone para sa mga bago nilang artists. Kahit daw meron pa ring pandemya ay patuloy silang hahanap ng paraan para mabigyan ng trabaho ang lahat ng kanilang alaga.
“This is actually a long time in the making. We’re already building them up for the longest time and we feel that after so much training and preparation, this is the ideal time for them to be introduced as part of the growing CS family.
“Most specially at this time when there’s more demand for content. So we are putting the well-deserved spotlight to these new exciting actors, personalities and content creators,” ang pahayag ni Jeff Vadillo, ang Vice President ng CS Entertainment.
https://bandera.inquirer.net/285052/idol-ph-zephanie-dimaranan-binago-ang-look-umaming-crush-sina-inigo-at-darren
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.