Teacher sa viral TikTok video nag-sorry na
HUMINGI na ng tawad ang teacher sa viral TikTok video na kasalukuyang iniimbestigahan ng Department of Education (DepEd) dahil sa posibilidad na mag-insinuate ng child abuse sa mga mag-aaral ang nasabing video niya.
“Naglabas na ng apology ‘yung teacher dito at sinabi niyang iyon ay katuwaan lang. Again, hindi naman natin puwedeng sabihin na lahat ng mga bagay, basta katuwaan lang ay palalampasin po natin,” saad ni Benjo Basas, chairperson ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) nitong Lunes, Nobyembre 8.
Ayon sa TDC, nararapat lang na i-call out ng DepEd ang maling gawi ng teacher sa viral TikTok video.
Iginiit rin nito ang importansya ng pag-iimbestiga upang mas malaman ang mga detalye ukol sa pangyayari.
“Sa child abuse, hindi naman kailangan ng intention, e. Basta meron pong perceived at potential abuse na pwedeng makita ang otoridad o ang offended party, child abuse would exist,” pagpapaliwanag nito.
Ngunit ikinalungkot ni Basas na hindi naprotektahan ang identity ng nasabing guro habang iniimbestigahan pa ang nasabing ginawa ng guro.
Ani Basas, “Ito iyong isang masakit sa amin kasi ang DepEd, is duty-bound na protektahan iyong ating teacher, iyong kanyang karapatan, iyong kanyang right to due process, ‘yung presumption of innocence ng ating teacher pero ngayon, ang nangyari po dito, nai-drag na ito sa buong mundo.
“Again hindi po namin sinasabi na walang kasalanan yung teacher. Ang sabi nga namin baka merong kasalanan eh. Pero to establish yung kasalanan po na ito, kailangan pong imbestigahan at ang imbestigasyon po ang magsasabi kung ‘yung teacher ba talaga ay masamang tao.”
Biyernes, Nobyembre 5 nang mapabalita ang pag-iimbestiga ng DepEd sa guro na nasa viral video.
Sa naturang video ay mapapanood na sumasayaw ang lalaking guro at may caption na “Pag dumaan ‘yong cute na student mo, tamang pa-cute lang.”
Ayon sa DepEd, nagpapahiwatig umano ang video ng lalaking guro ng “potential child abuse action” at maaari itong patawan ng kaukulang sanction sakaling mapatunayan ang pagkakasala.
“The Department of Education, as an institution trusted to protect the rights of every Filipino learner, does not tolerate any forms of abuse towards children.”
Pinaalalahanan rin ng DepEd sa mga teaching at non-teacher personnel ng kagawaran na laging isaalang-alang sa “highest degree of ethical and professional standards” ang mga sinasabi at ginagawa kasama na rin ang mga ginagawa ng mga ito sa social media.
Base rin sa statement na inilabas, patuloy raw ang DepEd sa pagpapatibay ng mga polisiya upang i-promote ang adbokasiya na protektahan ang mga mag-aaral laban sa pang-aabuso.
Related Chika:
Viral TikTok video ng isang guro iimbestigahan ng DepEd
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.