Pamilya ni Mahal bumuwelta sa paratang na ‘mukhang pera’, kapatid na pulis may inamin
INALMAHAN ng pamilya ng yumaong komedyana na si Mahal sa mga paratang sa kanila na pinabayaan at hindi nila ito inalagaan noong nagkasakit nang malubha.
Mahigit tatlong buwan nang namamayapa si Mahal, ngunit marami ang nagsasabi na mukhang hindi pa rin matahimik ang kaluluwa ng aktres dahil sa naglalabasang kontrobersya ngayon.
Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang issue ng perang naiwan ni Mahal lalo na ang nagmula sa mga kinikita ng kanyang YouTube channel.
Ayon sa mga naulilang kapamilya ng komedyana, nao-offend sila sa mga naririnig at nababasa nila sa social media na nagsasabing pinabayaan lamang nila si Mahal noong nabubuhay pa.
Nahe-hurt din sila sa mga nagsasabing mukha silang pera dahil sa paghahabol nila umano sa mga naiwang pera ng namatay nilang kapamilya kung saan nadidiin nga ang special friend ni Mahal na si Mygz Molino.
Sa pamamagitan ng YouTube channel ni Mahal, nagpaliwanag ang kapatid niyang pulis na si P/Lt. Jason Tesorero para klaruhin ang mga malilisyosong bintang laban sa kanilang pamilya.
Kabilang nga sa nilinaw ni Jason ay ang sinasabi ng ilang netizens na mas minahal at mas nagbigay ng suporta si Mygz Molino sa yumaong komedyana.
Paliwanag ni Jason, si Mahal ang nagdesisyon na sumama kay Mygz sa bahay ng pamilya nito sa Tanauan, Batangas. Iginagalang daw nila ang nais ng panganay na kapatid kaya pumayag sila.
Kuwento pa ni Jason, ang kapatid nilang si Lany ang dapat na kasama ni Mahal sa lock-in taping nito sa Bulacan ng last series nitong “Owe My Love” ng GMA pero nakiusap umano si Mygz sa kanila.
Sabi raw ng binata, siya na lang ang sasama kay Mahal sa taping para doon sila gumawa ng mga vlog para sa kanilang YouTube channels.
Sabi pa ni Jason, hindi raw ang si Lany at hindi raw ang manager ni Mahal na si Jethro Carandang, ang nakakuha ng “Owe My Love” para sa komedyana kundi si Lany.
Samantala, sa YouTube vlog naman ng isang Ophir Myrna, na sinasabing fan at kaibigan ni Mahal, sinabi nitong ginamit lang daw ni Mygz at ng talent manager si Mahal.
Naglabas pa si Ophir Myrna ng mga screenshot ng palitan nila ni Mahal ng messages sa Facebook tungkol sa mga kaganapan sa personal na buhay ng komedyana at ang tunay na relasyon nito kay Mygz.
Kinumpirma rin ng pamilya ni Mahal ang naunang chika na P25,000 na lang ang natitirang savings ng komedyana nang pumanaw ito.
May balita ring nagkausap na ang kapatid na pulis ni Mahal at ng talent manager nito tungkol sa finances ng aktres. Kumonsulta na rin daw sina Jason sa abogado para alamin ang mga dapat nilang gawin.
Patuloy pa rin kasing kumikita ang YouTube channel ng yumaong komedyana pero kailangang ayusin pa ang paglilipat sa pangalan ni Jason ng YT bank account ng kapatid.
Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng iba pang sangkot sa issue.
Related Chika:
Kapatid ni Mahal todo pasalamat kay Mygz: Ginawa niya lahat para maisalba ang kapatid namin
Mygz Molino dumalaw sa puntod ni Mahal: Alam kong masaya ka na ngayon dahil kasama mo si Papa…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.