Xian mahigit isang taon nanligaw kay Kim; may tip sa pakikipagrelasyon | Bandera

Xian mahigit isang taon nanligaw kay Kim; may tip sa pakikipagrelasyon

Therese Arceo |November 06,2021
facebook
share this

Xian mahigit isang taon nanligaw kay Kim; may tip sa pakikipagrelasyon

Therese Arceo - November 06, 2021 - 11:54 AM

Xian mahigit isang taon nanligaw kay Kim; may tip sa pakikipagrelasyon

IBINUNYAG ng Kapamilya actress na si Kim Chiu na mahigit isang taon siyang niligawan ng Kapuso actor na si Xian Lim.

Sa YouTube vlog ni Xian ay sinagot nila ng longtime dyowa niyang si Kim ang mga tanong sa kanila ng mga netizens.

“Gaano katagal nanligaw si Xian sa ‘yo?” pagbasa ni Kim ng tanong.

“One and a half, basta nag-one year din kaming ano, kasi syempre para sure. Ayoko namang makipaglaro sa feelings ko di ba?” sagot ni Kim.

Matapos naman sagutin ni Kim ang tanong ay nagbigay ng tips si Xian sa madlang pipol patungkol sa pakikipag-relasyon.

“Tip lang guys, ang relationship is like building a house. Dapat strong yun foundation. Kung hindi strong yun foundation ninyo, kung laro laro lang naman yan sa umpisa, mabilis din yang mabubuwag.

Make sure the foundation is great before you jump into anything, the foundation should be strong. Kung biglaan niyo lang sinagot yung tao, onting yanig lang, wala na,” payo ni Xian.

May nagtanong rin naman kung saan sinagot ni Kim ang dyowa.

Tila nakalimutan na ng dalawa kung saan nga ba, kung noong nag-long drive sila o noong nasa bahay ni Kim.

“I remember kasi di ba tinanong talaga kita. Very traditional tayo, tinanong talaga kita, ‘Kim, will you be my girlfriend?’ masayang saad ni Xian at hinatak pa si Kim at niyakap.

“It’s either sa kotse or sa pool side in your house,” dagdag pa ng aktor.

“Hindi, hindi sa pool side. Sa kotse,” sey naman ni Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

Unang nagkakilala sina Xian at Kim noong 2011 sa Kapamilya series na “My Binondo Girl”.

2018 naman nang aminin ng aktres ang kanilang relasyon matapos ang ilang taon na espekulasyon ng madlang pipol sa tunay na estado nila ni Xian Lim.

Related Chika:
Kim suportado ang paglipat ni Xian sa GMA; makakatambal si Jennylyn sa unang Kapuso serye
Kim niregaluhan ni Xian ng OOTD na pang-motor: Para raw ready ako umangkas sa kanya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending