Lovelife hugot ni Andrea: Feeling ko 'yun talaga ang pagkakamali nating girls, kasi all-out tayo | Bandera

Lovelife hugot ni Andrea: Feeling ko ‘yun talaga ang pagkakamali nating girls, kasi all-out tayo

Ervin Santiago |October 31,2021
facebook
share this

Lovelife hugot ni Andrea: Feeling ko ‘yun talaga ang pagkakamali nating girls, kasi all-out tayo

Ervin Santiago - October 31, 2021 - 06:28 PM

Andrea Torres

KUNG may isang aral na natutunan ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres sa pakikipagrelasyon, yan ay ang pagmamahal muna sa sarili bago ang ibang tao.

Ayon sa dalaga, karamihan sa mga kababaihan ay talagang all-out pagdating sa pag-ibig to the point na nakakalimutan na ang sarili na isa sa mga nagiging sanhi ng problema sa isang relationship.

Kamakailan ay nag-guest ang “Legal Wives” star sa Kapuso morning show na “Mars Pa More” at dito nga niya naibahagi ang pinakamahalagang aral na natutunan niya pagdating sa pag-ibig.

Sumabak ang aktres sa segment na “Tarantanong” kung saan kailangan niyang sagutin ang ibabatong question sa kanya ng mga host na sina Iya Villania at Camille Prats.

Ang tanong na napunta sa kanya ay, “Ano ang pinakamahalagang lesson na natutunan mo sa pag-ibig? A. Mahalin ang sarili bago ang iba o B. Magmahal nang walang pagsisisi.”

Letter “A” ang pinili ni Andrea, ang mahalin muna ang sarili bago ang iba. Pagpapaliwanag niya, “Ayon naman talaga dapat, ‘di ba? Feeling ko ‘yun naman ang usually talagang pagkakamali nating mga girls, ‘di ba kasi siyempre all-out tayo. 

“Dapat meron ka talagang itira for yourself. Yun lang hindi ko naie-explain,” ang natatawang pahayag ni Andrea. Obviously, nanggagaling ang hugot ng aktres sa kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Derek Ramsay.

Nasa Argentina ngayon si Andrea para sa kanyang international movie project na may working title na “Pasional,” kung saan gaganap siyang tango dancer.

Mismong ang mga producers mula sa Argentina ang nakipag-usap sa team ni Andrea matapos makita ang Instagram account. Aniya, napakaganda ng tema at kuwento ng gagawin niyang international movie.

“Na-excite ako kasi kakaiba yung way kung paano sila nag-meet, kung paano nagdevelop yung feelings nila sa isa’t isa and how it will end! It’s a different kind of story, something na hindi ko pa nagawa before,” ani Andrea.

View this post on Instagram

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres)


Aniya pa, Filipina dancer ang role niya sa movie kaya talagang sumailalim siya sa three-day tango class. Siya lang ang tanging Pinoy na nakuha sa pelikula.

“Actually, nagustuhan ko yung tango dance. Ang sarap ng feeling when you are doing the tango, very romantic kasi ang moves and it’s really like you are in love while you are dancing. 

“Para kang lumulutang ‘yung gan’on. Feeling ko even after the movie, gusto ko pa rin mag-aral ng tango,” aniya pa.

Ang “Pasional” ay co-produced ng Malevo Films of Argentina at GMA. Pagkatapos kunan ang mga mahahalagang eksena sa Argentina, nakatakda ring mag-shoot ang production sa Pilipinas sa first half ng 2022. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang unang international movie project  ng “Legal Wives” star ay ang Cambodian movie na “Fight For Love” noong 2016. 

Payo ni Andrea sa mga minalas sa lovelife: Magdasal nang taimtim at iwasang maging nega

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending