Mark Anthony kontra sa pagkakaroon ng beking presidente: Hindi ako papayag
Mark Anthony, Baron Geilser, Jeric Raval at Joel Torre
KUNG ang ibang celebrities ay pabor sa pagkakaroon ng beking presidente sa Pilipinas, matapang naman na sinabi ni Mark Anthony Fernandez na kontra siya rito.
Natanong ang cast members ng upcoming action-drama movie ng Viva Films na “Barumbadings” sa kanilang virtual mediacon kung okay lang sa kanila na bading ang magiging presidente ng bansa.
At ang diretsong sagot nga ni Mark Anthony ay, “No.” Ipinaliwanag naman nang mabuti ng aktor ang mga dahilan kung bakit hindi siya sang-ayon sa baklang presidente ng Pilipinas.
“Hindi ako papayag. Kung mayor, puwede. Vice mayor, puwede. Pero to lead the army, the police, ako hindi (ako papayag) bilang botante.
“Mayor, puwede katulad ni Teri Onor. Love na love ko ‘yan, pero kung tatakbo siyang presidente, pang-mayor ka lang,” paliwanag pa ng aktor na ang tinutukoy ay ang gay comedian at dating vice mayor ng Abucay, Bataan na muling tatakbo sa kaparehong posisyon sa May 9, 2022 elections.
Mabilis namang nilinaw ni Mark na wala siyang issue sa mga bading at sa katunayan atly marami rin siyang mga kaibigan mula sa LGBTQ community. Naibahagi rin niya na minsan na rin siyang napagkamalang beki.
“Wala naman akong masamang notion sa kanila, pero minsan, nagkatampuhan kami noong ako ang pinagkamalan na ganoon.
“Pero nang malinaw ko po yun, umokey naman. Nawala yung tampo. I think as actors, yung gay comedians natin, they’re good actors, firecrackers, ice breakers,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/280039/mark-anthony-fresh-na-uli-walang-tigil-sa-pagwo-workout-mula-nang-makalaya
Samantala, aminado naman ang aktor na napakahirap ng mga pinaggagawa niya sa “Barumbadings” kasama ang mga co-stars niyang sina Jeric Raval, Baron Geisler at Joel Torre.
Pinaghandaan daw talaga niya ang kanyang role sa movie, “I made sure na makinis ang skin ko, kailangan medyo magmukhang babae, binawasan ko ang weight ko, nag-shave ako ng 20-year old na buhok tapos todo motivation po.”
Dagdag pa niya, “Ang pinaka-challenge po sa akin ‘yung naka-high heels po ako na nagpa-fight scenes na dapat mukhang babae, kilos babae, kung baga motivated na motivated ako. Kay direk ako nakabaling na maga-guide niya akong mabuti.
“Ang hirap po talaga ng fight scenes na naka-high heels. In fact, ‘yung bata na artista napilay din po siya dahil nag-a-action scene siya na naka-high heels,” chika pa ni Mark.
Mapapanood na ang “Barumbadings” sa Vivamax simula sa Nob. 5, sa direksyon ni Darryl Yap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.