Annabelle galit na galit kay Vice Ganda: Huwag si Manny | Bandera

Annabelle galit na galit kay Vice Ganda: Huwag si Manny

Therese Arceo |October 29,2021
facebook
share this

Annabelle galit na galit kay Vice Ganda: Huwag si Manny

Therese Arceo - October 29, 2021 - 09:59 AM

Annabelle galit na galit kay Vice Ganda: Huwag si Manny

GALIT na galit raw ang ina nina Ruffa Gutierrez at ang talent manager na si Annabelle Rama sa Unkabogable Star na si Vice Ganda dahil sa nagdaang concert nito sa Amerika.

Ayon kay Ogie Diaz, hindi raw nagustuhan ng talent manager na ginagawang katatawanan ni Vice Ganda si Sen. Manny Pacquiao.

“Ang sabi ng ating source, si Annabelle ang medyo na-offend for Manny Pacquiao.

“Ang sabi naman ni Tita Annabelle baka raw hindi nalalaman ni Vice Ganda na si Manny Pacquiao ay 6 na taong naging congressman, 9 na taong senador, 26 years sa boxing at bilyonaryo. Siya raw ang makakapag-save ng buong Pilipinas, sabi ni Tita Annabelle,” pagkukuwento ni Ogie.

Dagdag pa niya, ibabalik daw ni Annabelle kay Vice Ganda ang kanyang joke.

Nagtaka naman si Mama Loi sa joke na tinutukoy ni Ogie kaya tinanong niya ito.

“P-A-C U, Vice Ganda,” sagot naman ni Ogie.

In-explain naman ni Ogie kung saan nanggaling ang joke na ‘yon.

“Gusto ko lang sabihin kay Tita Annabelle na hindi ko ipinagtatanggol si Vice Ganda rito pero matagal na pong joke ‘yun dito sa mga comedy bars,” paglalahad ni Ogie.

“Ah, ‘yung PACquiao University. Na-gets ko agad kasi noong sinabi mong matagal nang joke, e galing tayo dyan,” sey naman ni Mama Loi.

May parte kasi sa concert kung saan nandoon rin ang mga kapwa komedyante ni Vice na sina Lassy at MC na nag-uusap usap.

“Ang sabi raw kasi, kung magtatayo ng university si Manny Pacquiao ay tatawagin raw itong Pacquiao University na ang mga estudyante ay tatawaging ‘pacers’ at ang mga nanay ay tatawaging ‘mother pacers’,” natatawang saad ni Ogie.

“Na ang shortcut ng Pacquiao University ay Pac U,” dagdag pa ni Mama Loi.

Marami raw ang nag-text kay Annabelle Rama ukol sa joke na ‘yun.

“Ang sabi nga ni Tita Annabelle, ‘wag si Manny, Vice Ganda’, ang kanyang kandidato. Kasi mataas raw sa survey si Manny Pacquiao. Ang intindihin na lamang daw ni Vice Ganda, ‘yung kandidato niya,” pagpapatuloy ni Ogie.

Muling idiniin ni Ogie kay Annabelle na matagal na itong joke at hindi ito sinabi para pagtawanan ang senador.

“Hindi naman dahil pinagtatawanan si Manny Pacquiao kundi naglaro lang rin sila doon sa pangalan. Although syempre sa iba, pangit ‘yun na bakit paglalaruan ang pangalan ng isang tao pero alam mo sa kultura nating mga Pinoy, lahat naman kaya nating gawan ng paraan kung paano magiging light ‘yung comedy o magiging light ang mga isyu,” chika pa ni Ogie.

Hindi naman daw sa ipinagtatanggol niya ang mga kaibigan dahil kahit naman daw pangalan niya ang paglaruan ay hindi naman daw siya ma-o-offend.

Nanggagaling rin si Ogie sa kultura ng pagpapatawa sa comedy bars.

Aniya, hindi naman daw ito dapat sineseryoso at kahit siguro si Manny ay maaaliw kung marinig niya ang joke.

May chance pa nga raw na mas ma-curious ang tao kay Manny Pacquiao na siyang katwiran ni Annabelle kaya bakit ito nagagalit kay Vice?

Sa huli ay binati na lamang ni Ogie si Annabelle Rama.

“Wag ka namang magalit sa akin Tita Annabelle, a? De, ganyan lang talaga si Tita Annabelle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Happy Birthday, Tita Annabelle. ‘Wag na mainit ang ulo.”

Related Chika:

Manny dinepensahan ni Annabelle; tinawag na sinungaling si Jayke Joson
Annabelle Rama ipinagtanggol si Jinkee laban sa reporter na ‘mapanira at mukhang pera’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending