Direk Bobet ginawan ng Tiktok video ng netizen; Vice Ganda damay rin Bandera

Direk Bobet ginawan ng Tiktok video ng netizen; Vice Ganda damay rin

Reggee Bonoan |October 28,2021
share this

Direk Bobet ginawan ng Tiktok video ng netizen; Vice Ganda damay rin

Reggee Bonoan October 28, 2021 - 06:23 PM

Direk Bobet ginawan ng Tiktok video ng netizen; Vice Ganda damay rin

TAWANG-TAWA kami sa ipinadala sa aming Tiktok video tungkol sa pag-iyak ni Direk Bobet Vidanes sa programang “Lunch Out Loud” sa TV5 kung saan nagsabi siya kung bakit niya iniwan ang programang “It’s Showtime” ng hindi nagpaalam sa mga host tulad nina Vice Ganda, Vhong Navarro at iba pa.

In fairness ang galing-galing ng nag-edit ng Tiktok video na ito dahil ilang episodes ng “It’s Showtime” ang pinagkunan niya ng upsot pati ng mga dialogue ay saktong-sakto sa pagbuka ng bibig ni Vice Ganda.

Tila nag-uusap ang magkabilang panig.

Ang dialogue ni Direk Bobet na umiiyak, ”Baka hindi ko kayanin kasi.”

Sagot naman ni Vice, “Ang GALING mo!”

Balik kay direk Bobet na inalis pa ang face shield dahil nagpahid na ng luha, “may dahilan po kasi.”

Si Vice ay kinakausap naman si Vhong na natatawa, “naiiyak ka noh? Tuwang-tuwa ka sa ginawa mo?”

Sabi ni Direk Bobet, “may dahilan po baka hindi ninyo maintindihan.”

Bitbit naman ni Vice ang pamalo ng gong sabay sigaw, “Walang magsasalita!”

“Baka pag ako lumipat baka sumama pa sila and you don’t like that,” na tila ang management ang sinasabihan ng direktor.

Lumang episode ng “It’s Showtime” ang kinunan dahil medyo bata pa si Vice na tawang-tawa, “ang laking abala nito sa career ko sinasabi ko sa ‘yo.”

Ayon kay direk Bobet, “pinili ko po ‘yung health.”

“Napipikon ako talaga,” tawang-tawang sabi ni Vice.

Sabi ulit ni direk Bobet, “kasi po ‘yung pagta-trabaho ko sa kabila hindi na po healthy.”

Tila makikipagsuntukan naman si Vice, “gusto mo talaga ah..sige.”

“Mamatay po akong maaga,” halos mamaos na sabi ng direktor.

Kunwang umiiyak na sagot ni Vice, “Mamatay ka na, mamatay ka na.”

Seryosong sabi ni direk Bobet, “Pero it’s not healthy anymore.”

Nakuha naman ang magandang upsot ni Vice sa TNT segment kasama ang contestant at si Vhong na humahagalpak sa tawa, “Naku gusto kong magsalita ng mali para masuspinde tayo.”

“No pressure, I am HAPPY now,” sambit ni direk Bobet.

“Ay, ay, direk…HAPPY!” tanong ni Vice.

“It’s not about money, it’s about health,” diin pa ni Direk Bobet.

Magkakasama naman sa frame sina Vice, Tyang Amy Perez at Vhong na ibinuking ng una, “sus, binilhan pa kitang shoes..size 10 oh. Tapos ganon..ganon, lang? Kaloka ka!”

Balik tanong ni Tyang Amy, “binilhan mo?”

Sagot ni Vice, “ewan ko sa DAMUHONG yan!”

Tumawa ng husto sina tyang Amy at si Vhong na pinaalala pa kay Vice, “teka uy, si direk Bobet ‘yun!”

“Ay sorry, sorry!” tumawang sabi naman ng Unkabogable Star.

One minute at 13 seconds ang Tiktok na marahil ay malaki na ang views ng Tiktok video.

Related Chika:

Direk Bobet Vidanes sa pag-alis sa It’s Showtime: It’s not about money

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending