Cindy Miranda gustong makilala si Kylie Padilla: Bilib ako sa kanya dahil sobrang strong niya Bandera

Cindy Miranda gustong makilala si Kylie Padilla: Bilib ako sa kanya dahil sobrang strong niya

Ervin Santiago |October 25,2021
share this

Cindy Miranda gustong makilala si Kylie Padilla: Bilib ako sa kanya dahil sobrang strong niya

Ervin Santiago October 25, 2021 - 09:07 PM

Cindy Miranda, Aljur Abrenica at Kylie Padilla

GUSTONG makilala ng beauty queen-actress na si Cindy Miranda si Kylie Padilla dahil bilib siya sa tapang at paninindigan nito bilang isang babae at ina.

Kung matatandaan, si Cindy ang unang napagbintangan na third umano sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla matapos silang magtambal sa Vivamax original movie na “Nerisa.”

Ngunit agad na dinenay ng dalaga na may relasyon sila ni Aljur hanggang sa aminin na nga ng co-star nila sa pelikula na si AJ Raval na nagkakamabutihan na sila ng estranged husband ni Kylie.

Sa virtual mediacon ng bagong sex-drama movie ni Cindy under Viva Films, ang “My Husband, My Lover”, natanong ang aktres kung ano ang sasabihin niya kay Kylie kung sakaling magkasalubong sila.

Sabi ni Cindy, hindi pa niya nakikilala si Kylie nang personal pero kung mabibigyan siya ng chance nais niyang makatrabaho ang aktres. Mataas daw ang paghanga niya kay Kylie dahil sa tapang at katatagan nito.

“If ever magkasalubong man kami ni Kylie, I really wanna meet Kylie kasi naano ako sa kanya, sobrang strong niyang tao.

“Yun ang pakiramdam ko sa kanya and I hope she’s okay right now. Sana nga magkatrabaho kami ni Kylie. Pero I don’t think merong something sa aming dalawa kasi wala talaga.

“Ako, natutuwa ako na nakatrabaho ko si Aljur for the first time sa Nerisa. Kung anuman sana yung problema between her and Aljur, sana maayos na.

“Lahat naman ng bagay, naaayos, and I can’t wait to meet her, kung mapanood man niya ito. Looking forward ako to meet her and work with her in the future,” pahayag ni Cindy.

Nagkaroon ba siya ng idea na nagkakamabutihan sina AJ at Aljur sa shooting nila ng Nerisa sa Alabat, Quezon?

Sagot ni Cindy, “Actually, nung time po ng Nerisa, wala po ako sa sarili. Naka-isolate po ako.

“I will be honest, hindi ko po talaga alam. Wala po akong moments with them, with my co-actors during that time, kasi sobrang bigat ni Nerisa [her role].

“Wala po akong narinig na ganyan. Nagulat din po ako.”

Patuloy niya, “Sana yung isyu, nakikita ko naman po sa social media, friends ko naman si AJ at saka si Aljur, I hope maayos kung anuman yung gulo. And alam ko naman na maaayos ‘yan.

“I’m hoping na maging okay po lahat kasi kaibigan ko sila. Alam ko na nahihirapan sila sa sitwasyon. Ang dami kasing namba-bash, nababasa ko, so sana maging okay silang tatlo,” ang wish pa ng dalaga.

Cindy Miranda nagsalita na sa balitang siya ang dahilan sa hiwalayang Aljur at Kylie

* * *

Posible nga bang maging kaapid mo ang iyong asawa? Ito ang posibilidad na titingnan ng beteranong direktor na si McArthur Alejandre, mas kilala bilang Mac Alejandre, sa kanyang bagong pelikulang “My Husband, My Lover”.

Ito’y isinulat ng award-winning writer na si Ricky Lee na pinagbibidahan nina Marco Gumabao, Adrian Alandy, Cindy Miranda at Kylie Verzosa.

Masaya ang buhay mag-asawa nina Alice (Kylie) at Noel (Marco). Si Alice ay matagumpay sa kanyang career at masunurin siyang misis sa kanyang matalino at mabait na mister na si Noel. 

Ngunit si Alice ay isa ring wild partner pagdating sa kama sa kanyang kalaguyo na si Dennis (Adrian). Walang problema sa kanyang narried life at ang alam lang ni Alice ay gusto niyang manatili ang asawa niya at ang kalaguyo niya sa kanyang buhay.

Maayos ang lahat hanggang sa malaman ni Alice na siya ay buntis. At dahil hindi niya alam kung sino ang ama nito napilitan siyang umamin kay Noel tungkol sa relasyon nila ni Dennis. Nagdesisyon si Noel na makipaghiwalay kay Alice, at nangako naman si Dennis na aalagaan siya at ang kanyang anak.

Nakahanap ng bagong karelasyon si Noel, si Loida (Cindy), isang abogada. Si Dennis naman ay naging mabuting mister kay Alice at tatay sa kanyang anak, kahit alam niyang hindi ito sa kanya nang lumabas ang DNA result. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang bata at maagang pumanaw, dahilan para aminin ni Alice kay Noel ang katotohanan.

Ang muling pagkikita ng mag-asawa ay nauwi sa mainit na pagtatalik na nauwi sa “bawal” na relasyon.

Nabaliktad na ang sitwasyon at si Noel na ang naging kalaguyo ni Alice. At mas magiging kumplikado ang sitwasyon sa pagdating ng kani-kanilang partner upang angkinin muli ang kanilang pag-aari.

Panoorin kung ano ang kahihinatnan ng mga kumplikadong relasyon at pagsasama sa “My  Husband, My Lover”, streaming online sa Nov. 26 sa Vivamax Philippines at iba pang Asian countries.

Cindy Miranda nahirapan sa love scenes nila ni Aljur: ‘First time ko po sa lalaki’

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending