Jennica: Yung moments ko sa quarantine area is very therapeutic for me…
Jennica Garcia
MARAMING natutunan at na-realize ang nagbabalik-showbiz na si Jennica Garcia matapos sumabak sa lock-in taping para sa bagong serye ng GMA 7, ang “Las Hermanas.”
Aminado ang aktres na isang matinding sakripisyo ang kailangan niyang gawin para sa muling pagtatrabaho lalo pa’t first time niyang sasabak sa lock-in taping.
Aniya, talagang hindi madaling mawalay sa dalawa niyang anak na sina Athena Mori at Alessi pero kailangan niyang tiisin ang lahat ng hamon bilang single mom.
“‘Yung time ko with Las Hermanas I am really at my most relax state kasi itong Las Hermanas ramdam na ramdam ko na ibinigay siya sa akin ng Panginoon,” pagbabahagi ni Jennica sa virtual mediacon ng kanilang teleserye.
Dagdag pa niyang pahayag, “I really know that God placed me in this show for a reason. It goes way beyond earning money, getting a job, going back to showbiz. I didn’t realize that I needed some time off as a mother.”
Nabanggit din ng nakahiwalay na asawa ni Alwyn Uytingco, marami ring magandang naidulot sa kanya ang lock-in taping kabilang na ang pagkakaroon ng “me time.”
“Don’t get me wrong, I really, really love my children but ‘yung mga moments ko kasi doon sa quarantine area, sa specific room namin is very therapeutic for me.
“I didn’t realize that I needed some time to be alone without feeling the guilt that I am leaving my children behind.
“Kasi po tinray ko one time na pinakuha ko po sa papa ko ‘yung mga anak ko so I have the entire day with myself, pero hindi ako na-relax kasi iniisip ko kung kumain ba sila, naligo ba, nag-toothbrush ba nang maayos. And I felt bad,” pag-amin ng anak ni Jean Garcia.
Inamin din niya na napakalaking tulong ng perang maiuuwi niya mula sa pagtatrabaho para sa pangangailangan ng kanyang mga anak.
“Nu’ng nandoon ako sa Las Hermanas, wala akong ganoong guilt feeling kasi alam ko pag-uwi ko may dala akong pera.
“Pag-uwi ko, I’ll be able to treat the kids with the things that they like, with the food that goes beyond what we eat on a daily basis,” pagpapakatotoo pang sabi ni Jennica.
Tutukan ang world premiere ng “Las Hermanas’ sa Oct. 25 sa GMA Afternoon Prime na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith da Silva at Albert Martinez.
https://bandera.inquirer.net/295506/jennica-garcia-alwyn-uytingco-magkakabalikan-na-ba
* * *
Ngayong Linggo (Oct. 24) sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” (KMJS), magsasalita na si Kylie Padilla tungkol sa mga paratang sa kanya ng dating mister na si Aljur Abrenica.
Sa eksklusibong panayam ni “KMJS” host Jessica Soho, ibibigay na ni Kylie ang kanyang panig sa mga kontrobersyal na isyung kinasasangkutan niya.
Tatalakayin din kung paano ba dapat pinanghahawakan ng public figures ang kanilang pribadong buhay kung pinagpipistahan na ito ng publiko at sa social media.
Tampok din ngayong linggo sa “KMJS” ang halik ng kissing bugs na hindi lang daw magdudulot ng pagpapantal-pantal, pero maging pag-aagaw-buhay.
Bakit nga ba maraming deboto ang La Santa Muerte ng Argao, Cebu—ang kakaibang imahen na gawa sa bungo at kalansay na tila si Kamatayan?
At aabot na raw sa P1B ang natangay sa libu-libong investors sa Visayas at Mindanao na nabiktima ng Repa investment scam.
Tutok na sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” ngayong Linggo, 8:40 p.m. sa GMA Network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.