Olivia Lamasan na-intimidate nang idirek si Boyet; Mega umiyak sa last shooting day ng 'Madrasta' | Bandera

Olivia Lamasan na-intimidate nang idirek si Boyet; Mega umiyak sa last shooting day ng ‘Madrasta’

Ervin Santiago |October 18,2021
facebook
share this

Olivia Lamasan na-intimidate nang idirek si Boyet; Mega umiyak sa last shooting day ng ‘Madrasta’

Ervin Santiago - October 18, 2021 - 01:37 PM

INAMIN ng box-office director at ABS-CBN Films Managing Director na si Olivia Lamasan na may isang napakagaling na aktor na natakot talaga siyang idirek.

Binalikan ng TV at movie executive nang gawin niya ang award-winning 1996 classic Filipino film na “Madrasta” na pinagbidahan nina Megastar Sharon Cuneta at Christopher de Leon.

Ayon kay Direk Olive, may mga pagkakataon na nahihirapan at nahihiya siyang i-motivate si Boyet sa mahihirap na eksena nito sa pelikula dahil nga sa estado nito sa entertainment industry.

May isang eksena nga raw ang veteran actor sa “Madrasta” na inabot ng 13 takes.

“Meron siyang eksena with his son. Pero parang iniisip ko, paano mo ba imo-motivate at ididirek ang isang Christopher de Leon. It took us 13 takes. Finally, pumunta ako kay Boyet,” pahayag ng direktor sa chikahan nila ni Toni Gonzaga sa latest YouTube vlog nito.

“’Yet (Boyet), how can I help? Sabi niya, ‘naku, Direk, ang tagal kong hinihintay na kausapin mo ako.’ Sabi ko, sorry kasi sa totoo lang hindi ko alam paano ka ididirek,” chika pa ni Direk Olive o mas kilala bilang si Inang sa kanyang mga katrabaho.

Dagdag pa niyang chika, “I shared with him na ‘I’m so intimidated with you. Can I direct you?’ Sabi niya, ‘Direk, hinihintay kita.’”  

At pagkatapos nga raw nilang mag-usap ni Boyet, natapos ang nasabing challenging scene sa isang take lang.

Isa pang ibinahagi ng ABS-CBN executive ay nang “magalit” daw sa kanya si Mega nang matapos na nila ang classic Star Cinema movie.

“Natapos na yung pelikula, ine-edit na. Binuo na. Nu’ng pagbuo, sabi ko ‘Oh my God! Bakit wala akong maramdaman sa pelikula.’ I had to call Sharon, Boyet and explain. I had to do five scenes in one day,” kuwento ni Direk.

Nagdesisyon ang direktor na mag-reshoot kabilang na ang apat na confrontational scenes. Ginawa raw nila ito mula 5 a.m. hanggang 2 p.m. kinabukasan.

Chika pa ni Direk Olive, “Tinapos ni Sharon tapos umiyak siya. ‘I’m so mad at you. Why did you this to me, Mommy O?’” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At in fairness naman, nang dahil sa “Madrasta” umani ng napakaraming best actress awards si Mega mula sa major award-giving bodies kabilang na ang FAMAS, FAP Awards, Gawad Urian at Star Awards for Movies.

Mega hindi papayag na basta na lang mabura ang tambalang Sharon-Gabby sa showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending