Arjo ayaw idamay sa gulo ng politika si Maine; Sylvia atat na atat nang magkaapo | Bandera

Arjo ayaw idamay sa gulo ng politika si Maine; Sylvia atat na atat nang magkaapo

Ervin Santiago |October 18,2021
facebook
share this

Arjo ayaw idamay sa gulo ng politika si Maine; Sylvia atat na atat nang magkaapo

Ervin Santiago - October 18, 2021 - 08:54 AM

Arjo Atayde at Maine Mendoza

IPINAALAM muna ng award-winning actor na si Arjo Atayde sa girlfriend niyang si Maine Mendoza ang balak niyang pagtakbo sa 2022 elections bago siya gumawa ng final decision.

Inamin ng binata na nu’ng una ay parang nag-aalinlangan ang TV host-actress sa pagsabak niya sa mundo ng politika dahil nga alam naman ng lahat na magulo ang papasukin niyang mundo.

“To be honest, una medyo ano siya…kasi alam niyang magulo ang mundo ng politika.

“But I gave her promise to behave, and walang kalokohan sa loob. My will is just to serve nang tapat at tunay sa mga tao,” ang pahayag ni Arjo nang makachikahan siya ng news anchor na si Julius Babao sa vlog nito sa YouTube. 

Ngunit mukhang walang magiging partisipasyon si Maine sa kanyang pangangampanya bilang kinatawan ng unang distrito ng Quezon City.

“Being the girlfriend that she is, like I said, she became supportive. Pero ayoko lang siya mapalapit kasi magulo nga,” dagdag pa ng anak ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez.

Dagdag pang pahayag ni Arjo, “Her whole family is supportive. Ayokong (makisama), but knowing that they are supportive, my family is supportive.

“Of course, it’s my battle. Gusto ko lang maging maayos yung mga bagay-bagay na puwede ko ayusin at alam kong kaya ko ayusin without having anyone involved with me anymore.

“Have them beside me, being supportive, is good enough to be in this race,” sey pa ng binata na first time ngang sasabak sa mundo ng politics.

Arjo Atayde aminadong si Maine Mendoza na ang ‘the one’

Sa isang bahagi ng vlog, muling nabanggit ni Arjo na natagpuan na niya ang kanyang “the one” sa katauhan ni Maine at totoong napag-uusapan na rin nila ang kasal pero wala pang definite plans about the wedding.

Samantala, may special participation din si Sylvia sa nasabing vlog kung saan diretsahan siyang tinanong kung gusto na niyang magkaroon ng apo. 

Halatang nabigla ang aktres sa question ni Julius saka humagalpak nang bonggang-bongga!

“Natatawa talaga ako! Pero, oo gusto ko nang magkaapo. Siya ang panganay, eh. Siya yung matanda, eh. Kaya marami akong aso kasi wala akong baby, kung pwede nga lang, ako na ang manganak, manganganak ulit ako!” ang natatawang chika ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sey ni Ibyang, hindi naman niya pine-pressure sina Arjo at Maine at ipinagdiinan niya na aprub na aprub siya sakaling si Maine na ang ang pakasalan ng kanyang anak.

Hirit pa niya, “Naghihintay na lang ako. Kailan ba? Ha-hahaha!” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending