5 pelikula nina Daniel at Kathryn gagawan ng Bollywood remake | Bandera

5 pelikula nina Daniel at Kathryn gagawan ng Bollywood remake

Ervin Santiago - October 17, 2021 - 09:10 AM

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

LIMANG mega-blockbuster movies nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nakatakdang gawan ng Bollywood remake very soon.

Ibinandera ng ABS-CBN Film Productions na makikipagsanib-pwersa ito sa Global One Studios ng India para sa adaptation ng limang pelikula ng box-office stars na sina Kathryn at Daniel.

Ito na ang kauna-unahang pagkakataon para sa Philippine cinema na madala ang ilan sa tumatak na pelikulang Pinoy sa India na itinuturing na isa sa pinakamalaking film market sa buong mundo. Itatampok sa magiging Bollywood remake ang mga artista at talented Indian loveteams.

“Isang napakagandang oportunidad ito para sa ABS-CBN Films na mabahagi ang mga ‘di malilimutang kwento natin at maghatid ng inspirasyon sa global audiences,” sabi ni ABS-CBN Films managing director Olivia Lamasan. 

Aniya pa, “Maraming pagkakatulad ang Pilipinas at India, gaya ng pagpapahalaga natin sa pamilya na talaga namang ramdam sa ating mga pelikula at ngayon ay maaari na ring umabot sa mga Indian.”   

“We are happy to be associated with ABS-CBN Films to bring their well-crafted love stories to the people of India by adapting their heartrending films in Indian languages. Family bonding and cultural values are common to both Philippines and India, which are captured seamlessly in their films.

“This will be the first time that five Filipino films will be remade in India and we are excited to join hands with ABS-CBN to showcase their relationship stories with the same intense and emotions through our films,” sabi naman ni Ramesh Krishnamoorthy, President ng Global One Studios.

Nakatakdang magkaroon ng Indian remake ang mga pelikulang “Barcelona: A Love Untold,” “Can’t Help Falling In Love,” Crazy Beautiful You,” “She’s Dating the Gangster,” at “The Hows Of Us,” na naging highest grossing Filipino film noong 2018. 

Kinilala namang Phenomenal Box-Office Stars sina Kathryn at Daniel noong 2019 para sa “The Hows of Us,” Box Office King and Queen noong 2017 para sa “Barcelona: A Love Untold,” Prince and Princess of Philippine Movies noong 2018 para sa “Can’t Help Falling In Love” at gayundin noong 2016 para sa “Crazy Beautiful You.”

https://bandera.inquirer.net/290776/daniel-aminadong-nagkamali-noon-kay-kathryn

Kasabay ng proyekto ang pagdiriwang ng KathNiel ng kanilang ika-10 taon bilang loveteam. Nagsimula ang dalawa na magsama sa telebisyon noong 2011 at nang naglaon ay bumida na rin sa iba’t ibang movie projects. 

Ang kanilang “She’s Dating The Gangster” movie ay ipinalabas noong 2014 na nakasentro ang kwento sa dalawang students na kunwari ay may relasyon para pagselosin ang isang ex. 

Sinundan ito ng “Crazy Beautiful You” sumunod na taon na tungkol naman sa isang rebeldeng teenager na ipinadala sa isang medical mission camp kung saan nakilala niya ang anak ng isang politiko na nagpa-ibig sa kanya. 

Tungkol naman ang “Barcelona: A Love Untold” sa dalawang Pinoy na sinusubukang makalimot sa Spain subalit makakatagpo ng pag-ibig doon. Ipinalabas naman ito noong 2016 at kinilalang Best Picture sa 65th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.

Kwento naman ang 2017 romantic-comedy-drama na “Can’t Help Falling In Love” ng isang engaged na babae na nalamang kasal na pala siya sa isang stranger. 

Samantala tampok naman sa “The Hows Of Us” ang kwento ng magkarelasyon na nangangarap ng magandang kinabukasan subalit haharap sa matinding pagsubok.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ginawaran ito ng Golden Jury award sa 50th Guillermo Box Office Entertainment Awards. 
Gawa ng magagaling na Pinoy filmmakers at screenwriters, hatid ng mga pelikulang ito ang iba’t ibang kwento ng pagsisikap at pag-asa na tiyak na magbibigay inspirasyon para sa mga taga-India sa gagawing local adaptation.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending