Isabelle Daza may nakakalokang fire alarm experience Bandera

Isabelle Daza may nakakalokang fire alarm experience

Therese Arceo |October 16,2021
share this

Isabelle Daza may nakakalokang fire alarm experience

Therese Arceo October 16, 2021 - 11:51 AM

IBINAHAGI ni actress-model na si Isabelle Daza ang recent experience nila ng mga anak nang biglang magkaroon ng biglaang fire alarm sa kanilang tinitirhang building.

“After a hectic day, morning of rebooking flights and hotels during a shoot yesterday— I went home to relax only to be greeted with the fire alarm,” pagkukwento nito sa kanyang Instagram account.

Kasama niya ang kaibigang si Georgina Wilson nang mangyari ang fire alarm at it rin ang kumuha ng video na kasama sa kanyang post.

“Going off in the building! We had to run down 26 flights of stairs with all the kids, all caught on video by @iloce georgina,’ dagdag pa niya.

Nang makarating sila sa lobby ay nalaman nilang false fire alarm lang pala ito.

“It was a false alarm! No one was hurt. But it really made me grab the most important things in life (my charger lol),” sey pa niya.

Marami naman ang natawa sa kaniyang huling sinabi.

“How real naman this content haha,” comment ng kaibigan at kasama nitong si Georgina Wilson.

“I thought you were naked running 26 flights down. Must have read wrong,’ comment ng isang netizen na sinagot naman ni Isabelle ng “I almost was.”

“Scary but charger is life,” sey naman ng isang netizen.

Mabuti na lang at walang nasaktan sa nasabing false fire alarm. Paniguradong nahirapan at nakaramdam rin ng takot ang pamilya ni Isabelle kahit pa idinaan na lang nito sa biro ang nangyari lalo pa’t maliliit pa ang mga anak nito at halos 6 months old pa lang ang kaniyang bunso na si baby Valentin.

Mukha namang nakabalik na rin sila sa kanilang bahay base na rin sa first photo na kasama sa mga videos na in-upload nito. Sa naturang litrato kasi ay nakahiga na ito at nagpapa-breast feed kay baby Valentin.

Karagdagang ulat:
Isabelle nanganak na sa ika-2 baby nila ni Adrien: Valentin, we are so happy you exist!
Isabelle inulan ng batikos dahil sa suot na ‘vaccinated’ cap; insensitive at iresponsable raw

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending