Joey de Leon nag-celebrate ng 74th birthday sa bahay at simbahan; may bonggang regalo
NAPUNO ng mga naggagandahang lobo ang bahay ng TV host-comedian na si Joey de Leon na kasalukuyang nagdiriwang ng kaniyang ika-74th birthday sa kaniyang tahanan.
“Today is my birthday. Ang dami kong balloon kasi nais kong i-express ang pagmamahal ko sa inyo.
“Sa lahat ng mga dabarkads, I lobo [love] you, I lobo [love] you all very much,” saad nito sa kaniyang Instagram post.
Hindi rin nito nakalimutang magpasalamat sa Panginoon para sa panibagong taon na nadagdag sa kaniyang buhay kaya pumunta ito sa Christ the King Parish sa Quezon City para um-attend ng misa.
Marami naman sa mga dabarkads ang nagpaabot ng maligayang pagbati para sa komedyante.
“Blessed birthday Ninong Joey! Mahal ka namin,” pagbati mula kay Pauleen Luna-Sotto.
“Happy Birthday!! Halika na biyahe na tayoooo!!” saad naman ni Allan K.
“Happy Birthday Ninong Joey, love you,” comment naman ni Sherilyn Reyes-Tan.
Ibinahagi rin nito ang bonggang regalo na sculpture ng imahe nina St. Joseph habang buhat nito ang batang si Hesus na mula kay Willy Tadeo Layug, isang sikat na painter at sculptor.
“Maraming, maraming salmat Willy Tadeo Layug sa napakagandang ipinagkaloob mo sa akin ngayong aking kaarawan!
“Pagpalain nawa tayo ni San Jose, ng kanyang Anak na si Hesus at ng Inang Maria,” saad ni Joey.
Isa si Joey sa mga iconic na aktor, komedyante at host sa bansa at isa sa mga bumubuo ng TVJ trio kasama sina Tito at Vic Sotto.
Isa rin siya sa pioneer host ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga”.
Karagdagang ulat:
Joey awang-awa sa sarili nang mag-work from home; tinawag na diva-diva ng anak
Bakit hindi mahilig magregalo si Xian ng mamahaling bag kay Kim?
Sharon may pa-tribute sa b-day ni Kiko: I love you even if we’re best frenemies…with all my wawa heart!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.