True ba, Kabayan may problema sa kalusugan kaya biglang atras sa Eleksyon 2022? Bandera

True ba, Kabayan may problema sa kalusugan kaya biglang atras sa Eleksyon 2022?

Reggee Bonoan |October 13,2021
share this

True ba, Kabayan may problema sa kalusugan kaya biglang atras sa Eleksyon 2022?

Reggee Bonoan October 13, 2021 - 04:16 PM

Noli de Castro

DAHIL sa pag-atras ni Kabayan Noli de Castro sa pagtakbong senador sa May, 2022 eleksyon sa ilalim ng partido Aksyon Demokratiko ni Manila Mayor Isko Moreno ay marami ang nabahala na baka may kinalaman ito sa kanyang kalusugan.

Pagkatapos ilathala ng anak niyang si Kat Sinsuat de Castro sa Facebook ang official statement ng ama ay nag-post siya ulit na maraming nagtatanong kung kumusta na ang kanyang ama.

“Ang dami naman pong nagpapadala ng messages sa akin. Para isahan na lang: My Dad is okay health wise. No need to worry about anything.

“He has personal reasons for withdrawing his candidacy.

“He’s now spending time with family, most especially with his grandchildren.

“What’s his next move? Wala pa. Pahinga muna siya.

“Have a nice day everyone!”

Oo nga, nakagugulat na wala pang isang linggong nagsumite ng kanyang Certificate of Candidacy si Kabayan Noli (noong Okt. 7). Huwebes ay heto at umurong na.

Kaya ang tanong na nabuo sa aming isipan ay, “Babalik ba si Kabayang Noli De Castro bilang lead anchor ng news program ng ABS-CBN na TV Patrol?”

Nagtanong kami kaagad sa taga-Kapamilya network kung may balitang babalik si Kabayan. “Parang teleserye ‘no? Abangan ang susunod na kabanata (smiley emoji),” ang sagot sa amin.

Oo nga naman, abangan na lang natin dahil nu’ng umalis si Ganiel Khrisnan para sumali sa Miss World Philippines 2021 at nakamit nito ang titulong 2nd Princess ay wala pang 24 oras ay nag-resign na siya at babalik na lang daw bilang Star Patroller sa “TV Patrol.”

Ganito rin ang nangyari kay ANC Headstart anchor Karen Davila na bumalik din sa news program ng ABS-CBN pagkalipas ng 11 years.

* * *

Pagkatapos ng ilang taong inggitan, sakitan, at agawan ng lalaki, babaliktad ang mundo ni Lena (Erich Gonzales) sa oras na malaman niyang kapatid niya si Rachel (Sofia Andres) ngayong linggo sa “La Vida Lena,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Unti-unti na ngang nasisiraan ng bait si Rachel dahil sa paghihiwalay nila ni Miguel (Kit Thompson) na kagagawan ni Lena. Pero mukhang matotorete rin si Lena dahil positibo ang magiging resulta ng DNA test nila ni Conrad (Christian Vasquez), ang ama ni Rachel na matagal na rin niyang pinagdidiskitahan.

Hindi pa malinaw kung totoo nga ang DNA test o kung minanipula ito ni Conrad bilang paraan para ipatigil ang panggugulo ni Lena sa pamilya niya.

Bukod kasi kay Rachel, pilit ding pinoprotektahan ni Conrad ang kalaguyo niyang si Vanessa (Agot Isidro), na naaligaga na rin sa nyerbos dahil sa mga pananakot ni Lena na ibubulgar nito ang sikreto nilang relasyon. Nangako rin si Conrad kay Vanessa na ibabalik niya si Lena sa kulungan at papabagsakin ang kumpanya nito.

Tuluyan na bang sisirain ni Lena ang relasyon nina Rachel at Miguel? Itutuloy pa kaya ni Lena ang paghihiganti niya sa mga Narciso?

Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa “La Vida Lena” gabi-gabi, 10 p.m. sa Kapamilya Channel.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending