Lolit nag-sorry kina Alex at Mikee: Sa nagsasabi na tsismosa ako, mukhang pera, bobo, I agree! Bandera

Lolit nag-sorry kina Alex at Mikee: Sa nagsasabi na tsismosa ako, mukhang pera, bobo, I agree!

Therese Arceo |October 12,2021
share this

Lolit nag-sorry kina Alex at Mikee: Sa nagsasabi na tsismosa ako, mukhang pera, bobo, I agree!

Therese Arceo October 12, 2021 - 05:13 PM

MULI na namang umani ng batikos ang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis matapos ang kaniyang Instagram post ukol sa miscarriage ng TV host-actress at vlogger na si Alex Gonzaga.

Marami kasi ang hindi natuwa sa pagbabalita nito sa kalagayan ng aktres lalo na’t wala pa namang diretsong pahayag o kumpirmasyon si Alex ukol rito.

Kaya hindi mo rin masisisi ang asawa nitong si Mikee Morada nang mag-comment ito sa post ni Manay Lolit.

In fairness sa konsehal ng Lipa, kahit na may kasalanan si Manay ay magalang pa rin ang naging komento nito.

“Maam masakit at nakakadismaya naman. Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa. Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto. Huwag po kayo gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat,” pag-call out ni Mikee.

Kaya nitong umaga ng Oktubre 12, naglabas ng statement ang talent manager at humihingi ito ng kapatawaran sa mag-asawa.

“Matanda na ako para magkaruon pa ng kaaway, ayoko din na meron nasasaktan sa isinusulat ko na ginagawa ko lang outlet para ilabas iyon nasa isip ko. If I have offended, o may nasaktan dahil dito, I Am Very SORRY. Hindi iyon at never iyon ang naging intention ko ng isulat at ipost ko iyon,” saad niya.

Binuweltahan naman niya ang mga taong patuloy na bumabatikos sa kaniya.

“Duon sa nagsasabi na tsismosa ako, mukhang pera, bobo, I agree. Siguro nga iyon ang binigay kong image sa tao, iyon ang nakita nila. No problem. Dahil ang importante lang sa akin iyon pagmamahal at respeto ng taong kilala ko. Iyon nakasama ko, iyon nakaka usap ko.

“Keber ako sa mga comments ng tao na hindi ko nakilala, nakausap or nakasama. They can call me names, disrespect me, hate me for all they want, ok lang sa akin,” pagpapatuloy niya.

Aniya, huwag raw bigyan ng malisya ang kaniyang isinusulat sa IG dahil parte lang rin ‘yon ng kaniyang mental exercise. Wala naman raw siyang intensyon na makasakit sa ibang tao.

“SORRY if ito ang naging dating kay Alex Gonzaga at sa kanyang asawa. I will honestly say na I appreciate the very respectful comment of Alex Gonzaga’s husband.

“Hindi iyon ang motibo ko, hindi iyon ang gusto ko. If I have offended and hurt you, I deeply apologize. I understand what you mean na very trying ang experience na ito para sa inyong mag asawa,” dagdag ni Lolit.

Para naman raw sa mga madlang pipol na sobrang nega ang reaksyon, naiintindihan naman raw niya ito ngunit sana ay makita rin daw ng mga ito kung paano na-handle ng mag-asawa ang sitwasyon.

“Sana , bashers can use more respectable words, puwede naman magalit ng sosyal parin ang dating, mukhang edukado parin . Or baka naman dahil nga tsismosa ako, mukhang pera at bobo, kaya mga bashers ko ganuon din di ba ? Baka naman dahil squatter ugali ko, squatter din mga bashers ko, hah hah.

“Kasi ang sarap basahin pag constructive ang comment, maganda language ginagamit. So, ok, tanggap ko narin, sabi nga nila , I don’t deserve respect , pero the way they treat me, meron ba silang respeto sa sarili nila. Parang mga bully sila na ang gamit na language kanto boys, parang kung ano atake nila sa akin, iyon din sila. Sama sama na kaming mga tsismosa, mukhang pera at bobo. Ako si Lolit Solis, at ang mga bashers ko, bow,” sey ng kolumnista af talent manager.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending