Nadine huli sa aktong nakikipag-holding hands sa rumored French boyfriend; JaDine fans nagluluksa Bandera

Nadine huli sa aktong nakikipag-holding hands sa rumored French boyfriend; JaDine fans nagluluksa

Therese Arceo |October 09,2021
share this

Nadine huli sa aktong nakikipag-holding hands sa rumored French boyfriend; JaDine fans nagluluksa

Therese Arceo October 09, 2021 - 12:06 PM

KALAT na ngayon sa social media ang mga larawan ng aktres na si Nadine Lustre kasama ang rumored boyfriend nitong si Christophe Bariou habang naglalakad sa mall.

Bagamat wala pa ring direktang kumpirmasyon ang aktres kung ano ang real score nila ni Christopher ay mukhang gets naman na ng madlang pipol na may espesyal na namamagitan sa dalawa.

Kaya nga mas tumindi ang mga chika na wala na talagang chance para sa comeback nila ng ex-dyowa nitong si James Reid.

Agad namang nag-trending ang JaDine da sa Twitter ilang oras matapos kumalat ang mga larawan nina Nadine at Christopher kaya naman marami sa JaDine fans ang nagpahayag ng kanilang nararamdaman.

Labis naman ang lungkot ng mga supporters ng dalawa at mukhang ito na talaga ang sign para mag-move on sila at maging masaya para sa mga artistang hinahangaan.

“I’m always rooting for your happiness, Nadine, but I didn’t expect that this happiness would also hurt me at the same time… Thank you for making all of us happy with your relationship, Jadine. But I guess it’s now time to move on,” saad ng isang JaDine fan na kumakalat rin sa social media.

“James and Nadine might not be the endgame, but I’ll always be grateful for the love story they shared with us. As long as they’re both happy, it’s a happy ending for me,” tweet ng isang fan.

“Today, we are thankful.

“We wanted to take this opportunity to thank all the fans na hindi bumitaw. And now is the time to let go. We are indeed the happiest and at the same time the saddest people today. That’s life, people come and go, some will stay.

“You deserve all the happiness, Nadine as well as James. Hindi kami mawawala,” sey naman ng FB fan page na Certified JaDine.

Hindi naman ito ang unang beses na nag-trending ang dalaga kasama ang rumored dyowa nito.

Sa katunayan, matagal na nanatili ang dalaga sa Siargao Island kung saan naroon si Christophe.

Suwerte pa rin ang JaDine dahil ang mga fans nila ay hindi toxic. May mga ibang fandom kasi na porke hiwalay na ang sinusuportahang love team ay nagiging bitter at binabash ang nagiging bagong partner ng artistang sinusuportahan.

Pero ang mga JaDine fans, bagamat masakit ay tinatanggap nila ng buo ang mga nangyayari at nananatili ang suporta nila kahit tuluyan nang naghiwalay ang dalawa. Hangad pa rin nila ang kasiyahan ng dalawa.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending