Maymay nakiusap na wag na silang intrigahin ni Donny: Wala pong namamagitan sa aming dalawa | Bandera

Maymay nakiusap na wag na silang intrigahin ni Donny: Wala pong namamagitan sa aming dalawa

Ervin Santiago |October 04,2021
facebook
share this

Maymay nakiusap na wag na silang intrigahin ni Donny: Wala pong namamagitan sa aming dalawa

Ervin Santiago - October 04, 2021 - 02:44 PM

Maymay Entrata at Donny Pangilinan

MULING nakiusap ang Kapamilya actress-singer na si Maymay Entrata sa mga fans at supporters nila ni Donny Pangilinan.

May mga chika kasi na nagkakamabutihan na raw sila ngayon ng binata na ikinagagalit naman ng ilang tagasuporta ni Donny at ng ka-loveteam niyang si Belle Mariano.

Sa pamamagitan ng Twitter, naglabas ng saloobin si Maymay hinggil mga tsismis sa kanila ni Donny kasabay ng pagpapasalamat sa suporta at pagmamahal ng mga “MayDon” fans.

“Gusto kong magpasalamat sa bawat isa sa mga sumusuporta sa akin since day one. Sa lahat ng MayDon fans, thank you,” simulang pahayag ni Maymay.

Kasunod nito, ipinagdiinan din ng “Pinoy Big Brother Lucky Season 7” na wala silang relasyon ni Donny kaya sana’y tigilan na raw ang pagpapakalat ng tsismis tungkol sa kanila ng binata.

“Gusto ko rin pong klaruhin na wala pong namamagitan sa aming dalawa. Sana ma-stop po ang pag-spread ng rumors about sa amin. Maraming salamat po,” pahayag ni Maymay.

Kung matatandaan, nagdenay na rin noon si Maymay tungkol sa mga tsismis sa kanila ni Donny sa isang panayam.

“Siguro nagsimula ‘yan kay Donny dahil kasama ko siya lagi sa iWant ASAP. At doon yata may mga clip na parang nami-misunderstood nila ‘yung mga galawan namin, ‘yung smile namin, na akala nila nagtitinginan. Hindi ko alam talaga. Jusko day! Pero, hindi po kami ni Donny,” paliwanag ng dalaga.

Kasabay nito, mariin din niyang itinanggi na magdyowa na sila ni Edward Barber, ang dati niyang ka-love team partner, “Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man, wala po kahit sino sa showbiz, wala.”

Mensahe pa ni Maymay sa kanyang mga fans, “Nagpapasalamat din ako sa lahat talaga ng mga fan na kumbaga kahit di ako nage-effort na pasayahin kayo, pinapasaya niyo ang sarili niyo. 

“Joke! Sorry! Naa-appreciate ko ‘yon at natutuwa lang din naman ako. Pero para maging clear ang lahat hindi ako kay Donny. Wala pong kahit sino sa showbiz na in a relationship ako,” dagdag pa ng aktres.

Bukas naman si Maymay sa pagsasabing meron na siyang special someone at hindi ito taga-showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nabanggit ko na naman po ito sa isang magazine na may nagpapasaya sa akin. Opo. Hanggang doon na lang. Basta wala sa showbiz,” sabi pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending